CHAPTER 85 --------------------- YANZ POV --------------------- "Naku hindi na!" Sagot ko agad sabay tayo para lang makaiwas sa pagtitig nya. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta kaya naisipan ko nalang pumunta sa gawing ref. "Gusto mo ng softdrinks?" Alok ko pa sa kanya. Sabay dampot ko don sa isang coke in can. Wala nga ako sa sarili ko nung buksan ko yon kaya nagulat pa ko kung bakit bigla nalang umalsa yung laman at natapon. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Tanong sa akin ni Rollo na kinuha yung lata sa kamay ko at binigyan pa ko ng panyo na pampunas. "Sorry wala nga yata ako sa sarili ko sa dami kong iniisip," sagot ko sa kanya habang pinupunasan ko yung part ng damit ko na nabasa. "Madami kang iniisip? Tulad ng?" Parang batang tanong nya. "

