CHAPTER 60 ----------------------- YANZ POV ----------------------- "Ah ganon po ba? Okay po sir, thank you. Magpapasalamat nalang po ako kay Rollo mamaya. Paki sabi na lang din po sa mother nyo po na maraming salamat sa paghahanda ng pagkain ko. Sisiguraduhin ko po na kakainin ko ito mamaya," nakangiting sabi ko. Agad naman na umalis si Mr.Carlos pagkabigay nya sa akin nung pagkain. "May puso din talaga si Rollo pagdating sa mga kaibigan nya kahit madalas ay hindi halata!" Parang tangang kausap ko sa sarili ko habang hindi makapaniwalang tinitignan ko ulit yung paper bag na hawak ko. Sa totoo lang ay kinilig ako at parang gumanda agad ang pakiramdam ko. Yung parang nawala agad ang pangangati ng mga pantal sa katawan ko. Una kong naisip gawin ay mag buzzer sa pintuan ni Rollo para

