CHAPTER 82 ---------------------- YANZ POV ---------------------- "Hindi pwede? Bakit? Kailan pa naging bawal ang makipag usap sa magulang? Napaka strict naman ng mga boss mo!" Napa palatak na sabi nya sa akin. "Maiintindihan mo rin. Sa ngayon ang mahalaga nagkita at nagkausap tayo. Nasaan nga pala ang mga magulang mo?" "Nasa trabaho. May pumunta kasi dito at inalok sila ng trabaho sa pabrika. Mga pagawaan ng mga circuit ba yon? Repair shop daw para sa isang sikat na kompanya. Ewan ko ba kung bakit napili sila. Bukod kasi sa wala naman silang alam don ay may mg edad na sila di ba? Madami namang mga bata diyan. Abe sa taas ng pasahod nila marami ang magkakainteres sa trabhong yon. Pero ayon nga, siguro ay swerte na rin kahit papano at naka alwan alwan ang buhay namin," mahabang kwento

