CHAPTER 74 --------------------- YANZ POV --------------------- Napuno ng hiyawan at palakpak ang paligid nung sa wakas ay bumalik na yung unang magkatunggali. Si Kio ang nauna kaysa sa kalaban nya. Malayo layo din ang nilangoy nila kung kaya't nakita ko syang parang hinihingal pa. "Kio pwede mo tong gamitin. Bago lang daw to," approach ko sa kanya sabay abot ko nung towel na ibinigay sa akin ni Darwin kanina. "Ayoko! Mayroon naman akong dala," masungit na sagot nya tapos ay nilagpasan lang nya ko. Napasunod nalang ako ng tingin sa kanya habang papunta sya sa bus na nasa kabilang dako. "Drake galingan mo!" Narinig kong sigaw nung isang lalaki. Fan siguro nya. Nung tignan ko si Drake ay medyo malayo na yung nararating nila nung kalaban nya. Sa tingin ko naman ay hindi sya naiiwan

