CHAPTER 31 ---------------- YANZ POV ---------------- "Rollo please, huwag mong gawin sa akin to. Mahihirapan ako sa room nila Kio! Baka matuklasan nya ang sikreto ko," paki usap ko sa kanya na halos mag makaawa na akong talaga. "Anong sikreto? Yung malalaman nya kung anong meron dito?" Tanong ni Rollo na kinuha ang body miracle device sa kuhelyo ko tapos ay walang awang niyapak yapakan ito. "Huwag! Hindeee!" Sigaw ko pero wala na akong narinig kundi halakhak nilang tatlo. "Hindeeee!" Sigaw ko ulit habang kitang kita ko na bumabalik na ang anyo ng katawan ko dahil nasira na ang mahiwagang device na nagpapa anyong lalaki sa akin. "Hindeeeee!" Malakas na sigaw ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa classroom pa rin ako. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko kaharap ang tatlo. Wala si Rollo

