CHAPTER 78 ----------------------- YANZ POV ----------------------- Anyway, ano man siguro ang ugaling ipakita ni Rollo sa akin ay kaya kong i-tolerate. Lalo na at kitang kita ko na ang magandang resulta nung upgrade na ginawa nya sa BMD ko. Isipin mo, hindi ko na kailangang mag alala sa swimming classes namin dahil bukod sa naka rashguard naman kami as uniform ay hindi ko na rin problema kung mabasa man ako dahil waterproof na ang device ko. At lahat ng yon ay salamat kay Rollo. "Ano ba yang nginingiti ngiti mo diyan? Mukha kang tanga," narinig kong sabi ni Rollo nung mapansin nya sigurong titig na titig ako dun sa isang item sa istante. Kasalukuyan kasi kaming nasa accessories store dahil araw ng pamimili namin sa bayan. "Tinitignan ko lang yung headband, ang ganda kasi. Alam mo,

