CHAPTER 93 -------------------- YANZ POV -------------------- "Uy... Parang alam ko na kung kanito to galing," tukso pa nya sa akin. "Halika ikabit natin Yanz tapos ilagay din natin ulit yung wig mo kanina," nakangiting alok nya. Syempre pumayag ako. Ang totoo ay balak ko naman talagang isuot yon para naman makita ni Rollo. Ipinangako ko kasi sa kanya na isusuot ko yung bigay nya pagka bumalik na ako sa buhay ko. I mean yung babae na talaga ko. "Hala! Bagay sayo! Mukha kang prinsesa! Pero syempre mas maganda pa rin ako sayo! Char!" Natatawang biro nya. Nung makita ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ako makapaniwala na ako na talaga to. Yung effect kasi nung wig na suot ko ay parang yung dating buhok ko lang. Sobrang na miss ko ang pagkakaroon ng long hair. "Sorry, naistorbo ko b

