CHAPTER 69 ---------------------- YANZ POV ---------------------- Pero hindi ako natinag. Nagmamadaling kumuha ako ng roders robot na spiders sa bulsa ko at ipinakat ko yon sa wardrobe nya para hindi na nya mabuksan. Tignan ko lang kung makapagsumbong pa sya kung tuwalya lang ang suot suot nya. "Hoy! Tanggalin mo nga yang nilagay mo! Tanggalin mo sabi eh!" Napipikon na singhal nya sa akin. "Okay fine! Akin na muna yung BMD ko! Importante sa akin yan eh! Kung hindi mo yan ibibigay, hindi ko aalisin ang mga lock nito!" Matapang na sigaw ko din sa kanya. Kung hindi sya nakukuha sa santong dasalan talagang dadaanin ko na sya sa santong paspasan. "Eto ba?" Naka ngising tanong nya sa akin na inikot ikot pa nya yon sa mga daliri nya para asarin ako. "Importante to pero hindi lang sayo, k

