"Hugo, Khleo," Tyson said, "make sure your mom won't catch us, okay? Bantayan n'yo siyang mabuti at kausapin n'yo lang nang kausapin." The two little guys nodded. Paalis na si Tyson kasama si Mazi nang dumating si Harlow, buhat-buhat si k**i. "Aalis na ba kayo?" tanong nito. "Oo, baka hindi namin maabutang bukas ang shop," sagot niya. "Are you okay here?" Tumango ito. "Nandito naman 'tong dalawang guwapito, may kasama ako sa pag-aalaga sa kambal. Basta mabilis lang kayo, ha?" "We promise, Mommy!" Mazi grinned. Umalis na nga ang mag-ama at nagtungo sa may parke upang maghanda para sa gaganaping proposal. Of course, they didn't tell Harlow about this, instead they told her they would just go to the mall to look for clothes. Nang makarating sila sa parke ay inabutan na nila si Darby na

