NAPABALIKWAS ng bangon si Victoria nang maramdaman niya na parang hinahalukay ang tiyan niya. Tutop niya ang bibig ng magmadali siyang lumabas ng kwarto. At agad siyang nagtungo sa maliit na lababo para do'n sumuka. Pero puro lang laway ang naisusuka niya, nakaramdam nga din siya ng bahagyang paghihina. At mayamaya ay naramdaman niya na may humahawak sa likod niya at marahang hinaplos. Naramdaman din niya ang paghawi nito ng buhok niya paalis sa mukha niya. Hindi naman na kailangan ni Victoria na mag-angat ng tingin para alamin kung sino iyon dahil alam naman niyang si Callum iyon. Sa tuwing nakakaramdam kasi siya ng morning sickness tuwing umaga ay talagang bumabangon din si Callum para samahan siya. Tagalang tinupad nito ang pangako nito sa magulang at sa kanya na aalagaan siya nit

