NANG malaman ni Francis ang tungkol sa pagkawala ni Tatay Vicente ay parang gumuho ang mundo niya. Hindi nga niya napigilan na mapaiyak, hindi nga din niya napigilan na ipakita kay Maria na mahina siya. Nailabas niya ang sakit na nararamdaman habang yakap siya nito. At nagpapasalamat siya na kahit na masama ang loob nito sa kanya ay hinayaan pa din siya nito na umiyak sa mga bisig nito. Hindi na kasi niya kaya ang nararamdaman ng sandaling iyon. Wala na nga ding lumalabas na salita sa bibig niya kung 'sorry' paulit-ulit niya iyong binabanggit habang yakap-yakap niya ito. Hindi naman nagsasalita si Maria pero ramdam niya ang pagdamay nito sa sa pagganti nito ng yakap sa kanya. At sapat na iyon para sa kanya dahil pakiramdam niya ay may malasakit pa din ito sa kanya. Pagkatapos nga nil

