"I HAVE a job to offer you." Napatitig si Victoria kay Danielle nang marinig niya ang sinabi nito sa kanya pagkatapos nilang kumain na dalawa ng breakfast kinabukasan. Nabanggit sa kanya ni Danielle kagabi na hahanapan siya nito ng trabaho para magkaroon siya ng pera na gagamitin niya sa paghahanap niya kay Callum. She's willing to give her a money pero alam nitong hindi niya tatanggapin kaya trabaho na lang ang inalok nito. Pumayag naman siya sa gusto nitong mangyari. Naisip kasi niya na kung gusto niyang mahanap si Callum ay kailangan niyang mag-tiyaga. At habang naroon siya sa Manila ay kailangan niya ng trabaho, lalo na at wala siyang kapera-pera. "Anong klaseng trabaho?" tanong naman niya. "Secretary," sagot nito sa kanya. "Iyong kakambal ko kasing si Francis, nag-early mate

