"Kram... Alyas Kram ang tawag kay Niel!" Bulyaw ni Bandoy, ang na capture na target nina Lily nitong nakaraang araw. Nakagapos ang kanyang dalawang kamay gamit ang makapal na lubid habang nakakulong sa madilim at masikip na ipitan. Tumalikod ako at napapikit ng mariin nang makita ang kanyang nakakaawang kalagayan. Hindi pa ba sapat ang ipitan na ito at kailangan pa niyang maranasan ang mga masahol na pagpaparusa ni Ellie sa kanya? Rehas ang namamagitan sa aming dalawa. Halos hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim at patay sinding ilaw sa aking direksyon. "Saan sila madalas mahahanap? Saan ang hideout ng mga Drug Lords na kinabibilangan ni Niel?" Tanong ko sa kanya. Seryosong napatingin si Lily sa kanya habang naka halukipkip. "Shinwa! Shinwa shipping lines! Doon sila madalas nag

