Madilim ang kumbentong nang nakarating kami ni Lily. Ang tatlong poste ng ilaw lamang sa bawat sulok ang nagsisilbing ilaw sa buong lugar. Basang basa ako mula sa ulan na kasalukuyang walang planong humupa. Niyakap ko ang aking sarili at dahan dahang tumungo sa rehas ng simbahan upang tingnan kung mayroon bakas ni Jude dito. Hindi alam ni Lily na nakikisabay ang luha ko sa pagbuhos ng ulan. Hindi niya alam dahil tinatago ko ito sa likod ng mga pagpatak ng ulan sa aking pisngi. "Becky," Tawag sa akin ni Lily. Lumingon ako sa kanya at itinapon niya naman sa akin ang isang baril. "Pang self defense lang kung sakali." Patuloy niya. Tumango ako at itinago ito sa aking likuran bago kumatok sa isang likurang bahagi ng katabi ng altar sa labas ng simbahan. Bumungad sa akin ang mukha ni Father

