KABANATA 40

1764 Words

TW/ salita at eksenang hindi angkop sa mga bata "Anong klaseng sagot 'yan? Siraulo," sagot ko sa kaniya at tumawa. Pareho kaming nailang matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon at kami'y natahimik ng ilang minuto. "Pagkatapos kong gamutin ang iyong sugat, babalik ka na sa Tercero," sabi niya. Kumunot ang aking noo saka napalingon sa kaniyang direksyon. "Nandito na ako, bakit mo pa ako pinapabalik?" tanong ko. Umiwas ako ng tingin saka napairap. "Halos maibuwis ko na ang aking buhay makarating lang dito. Hindi ko hahayaang masayang ang aking pinaghirapan." "Mas malala pa ang daan papuntang Primero," sagot ni Prinsipe Isaiah. Nang takpan na niya ng malinis na tela ang aking sugat, lumayo ako ng kaunti. Hindi man ako makapaniwalang isang prinsipe ang naglinis ng sugat ko, naiinis pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD