KABANATA 36

1725 Words
Kabanata 10 - Mga Pusong Nagpapakalunod "Sigurado ka bang angkop itong aking kasuotan sa dadaluhan nating pagdiriwang?" tanong ni Adelaida kay Claude habang pilit na binababa ang suot na maikling shorts. Ipinares ito sa isang cropped top na kulay puti at may nakasulat na Hop In. Si Claude ang nagpasuot nito sa kaniya. "Siyempre! More than qualified!" sagot ni Claude habang tinitignan ang ayos ng dalaga. Nang tignan nito ang suot na sapatos ay napasimangot ito. "Taliin mo na sintas mo, baka papunta na dito ang pinsan mo." "Sintas? Ano iyan?" tanong ng dalaga. Nagtaka naman si Claude sa kaniyang tanong. "Shoelace in English!" sagot ni Claude at itinuro ang sintas ng sapatos ni Adelaida. Nang makuha ni Adelaida ang ibig sabihin ng binata ay napatango siya. "Ngunit hindi ko alam kung papaano," sagot ni Adelaida. Nagulat naman ang binata. "Nakatira ka ba sa kuweba?" tanong ni Claude at lumuhod upang taliin ang sintas. "Sabihin mo na lang kasi na gusto mong ako ang mag-ayos ng sapatos mo, ikaw talaga babe." "Hindi ako nakatira sa isang kuweba, ako'y nanggaling sa isang kumbento," sagot ni Adelaida na nagpatigil kay Claude. Naiangat niya ang kaniyang paningin at tinignan ang dalaga. "K-Kumbento?" tanong ni Claude. Napataas ng kilay si Adelaida at nang mapagtanto ang mga salitang nabitawan ay napakagat siya ng labi. "Ang ibig kong sabihin ay nanatili ako sa isang kumbento dahil isa akong ulila. Nanirahan ako sa bahay-ampunan noong ako'y isang paslit pa lamang hanggang sa may nag-ampon sa akin," kuwento ni Adelaida. Napahanga siya dahil hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa pagsisinungaling. "Talaga? Edi hindi kayo totoong magpinsan ni Bato?" tanong ni Claude. Tumango si Adelaida. "Parang ganoon na nga," sagot na lang ng babae. Napaniwala niya naman ang uto-u***g si Claude. "May naalala kasi ako sa isang kumbento, noong isang araw kasi ay nag-ghost hunting kami sa isang abandonadong kumbento, sobrang nakakakilabot," sagot ni Claude at napayakap sa sarili. Tumayo ito at pinagpagan ang suot na pants. "Tara na nga, tumayo bigla balahibo ko." Sumunod naman si Adelaida kay Claude na lumabas ng kaniyang apartment. Tinali nito ang mahabang buhok at kahit giniginaw sa suot niya'y hindi na siya nagsalita. "Magkatapat lang rooms natin ah," sabi ni Claude at itinuro ang pinto ng kaniyang apartment na nasa harap ng nirerentang kwarto ni Adelaida. "Itinadhana talaga tayo, mahal." Kumunot ang noo ni Adelaida sa mga salita ng binata. "Mahal? Ngunit hindi kita kasintahan. Hindi kita mahal." "Ouch! Ang sakit 'nun ah!" sagot ni Claude at hinawakan ang dibdib niya. "Hindi bale, papaibigin kita balang araw." Sasagot na sana si Adelaida nang may biglang humila sa kaniyang braso at kinaladkad siya papalayo. Muntikan na niyang magamit ang kapangyarihan buti na lang at nasilayan niya ang lapastangang humila sa kaniya. "Hoy Bato! Huwag mong ginaganyan ang pinsan mo!" sigaw ni Claude na nakahabol ngunit hindi siya pinansin ni Stone. Nang makalabas sa building ay sumakay silang dalawa sa isang motor. "Hoy! Huwag niyo akong iwan!" sigaw ulit ni Claude ngunit huli na ang lahat dahil matapos makasampa ni Adelaida sa likod ay mabilis na humarurot ang motor. Nabigla si Adelaida at napahawak sa balikat ni Stone. Nang medyo makalayo-layo na ay hininto ni Stone ang motor sa gilid ng kalsada. Hindi naman nagsalita si Adelaida dahil ayaw niyang kausapin ang binata at baka masumpa pa niya dahil sa pagkaladkad nito. "I told you not to wear something revealing," naniningkit na sabi ni Stone. Hindi siya kinibo ni Adelaida. "And stick to me, you don't know the world we are entering later," sabi ni Stone. Nagtaka naman si Adelaida at hindi napigilang sumagot. "Anong ibig mong sabihin? May isa pang mundo maliban sa planetong ito?" tanong ni Adelaida. Mahinang tumawa si Stone. "Isa iyong idyoma," sagot ni Stone. Pinaandar nito ang makina at bago humarurot ay inilagay niya ang mga kamay ng dalaga sa dibdib nito. "Kung ayaw mong mahulog, kumapit ka sa akin, binibini." Napahigpit ang yakap ni Adelaida kay Stone nang bigla nitong binilisan ang pagtakbo. Nang maamoy niya ang amoy ng binata ay natigilan siya at naalala ang isang pangyayari sa kaniyang nakaraan. "Ikinagagalak kong makilala ang tumulong sa mga batang nasa ampunan. Hindi sapat ang mga salita kaya nais kong tanggapin mo ang aking munting regalo, ginoo,"  sabi ni Adelaida sa lalaking nasa harapan at ibinigay ang isang bote. "Ito ba'y isang pabango?" tanong ng binata. Ngumiti naman si Adelaida at tumango. "Ang pagtulong ko ay naaayon lamang sa aking katungkulan dito sa bayan. Sapat na rin sa akin ang masilayan ang isang magandang binibining may busilak na kalooban." "Nagawa mo pang mambola, ginoo," sagot ni Adelaida at mahinang tumawa. Tumawa na rin ang binata. "Mukhang ngayon ko lang nakita ang produktong ito, kakaiba ang amoy. Ikaw ba ang may gawa nito?" "Ako nga ang gumawa niyan, ginoo. Sana'y gamitin mo iyan upang humalimuyak pang lalo ang kabutihan ng iyong puso." "Suot mo pa rin ang aking pabango," bulong ni Adelaida sa sarili. Sumilay sa kaniyang labi ang isang malungkot na ngiti. Nang makarating sa paroroonan ay nanlaki ang mga mata ni Adelaida. Hindi niya aakalaing sa loob ng isang tagong silid ay isang maingay na lugar na puno ng mga nagkakasiyahang mga tao. Malayong-malayo iyon sa inaasahan niyang imahe. Ang buong akala niya ay isang tahimik na lugar na puno ng pagkain. "Huwag na huwag kang hihiwalay sa akin," sabi ni Stone. Hindi siya sumagot at wala siyang magawa nang hawakan na naman ng binata ang braso nito. Nais takpan ni Adelaida ang kaniyang tenga sa di kanais-nais na ingay. Ang hindi niya rin maintindihan ay kung bakit ang mga mata ng lahat ay sinusundan sila. Hindi niya iyon pinansin. Sa isang sulok ay nakita nila sina Sanchez, Chloe, France, at Fred na nagtatawanan. May bote ng alak sa kanilang mesa. Nang makita ng apat ang paparating na mag-pinsan ay kumaway sila. "Wow! It's a good thing you went here,  Adel!" masayang bati ni Chloe at niyakap si Adelaida. Nakasuot ito ng tank top at tattered pants. Hinubad na kasi nito ang suot na denim jacket. "Nasaan si Claude?" tanong ni Franche kay Stone. Hindi sumagot ang lalaki. "Hoy! Lagot ka raw kay Claude, Bato! Iniwan mo raw!" sabi ni Fred at ipinakita sa lahat ang mga mura ni Claude sa message niya. Tumawa naman si Sanchez at napailing si Chloe. Napanguso lang si Franche. "Well, maiwan ko muna kayo, I can see a hot guy smiling at me," sabi ni Chloe at tumayo na. Tinungga muna nito ang isang baso saka naglakad paalis. "Itong si Chloe talaga," sabi ni Franche at umiling-iling. Kumuha ito ng baso at sinalinan si Adelaida. "Here, have a drink." "Don't give her anything," pagsingit ni Stone at sinalo ang alak ni Adelaida. Napasimangot naman si Adelaida dahil gusto pa naman niyang uminom. "Ang OA mong pinsan ha," sabi ni Sanchez at tinungga ang alak na nasa baso. Matapos inumin ay nagsalin na naman siya at inabot kay Adelaida. "Oh eto bata, konti lang 'yan." Pipigilan sana ni Stone si Sanchez ngunit mabilis na kinuha ni Adelaida ang alak at ininom. Nabigla siya sa tapang nito at parang sinusunog ang lalamunan niya. Hindi maipinta ang kaniyang hitsura matapos inumin ang alak. "Hinay-hinay lang kasi, hindi ka mauubusan," sabi ni Fred at tumawa. Napatawa na rin si Sanchez at uminom ng alak. Ilang minuto rin silang nag-uusap at nakaupo lang doon nang biglang tawagin ni Chloe si Franche at may ipapakilala raw ito. Si Fred naman ay nagpaalam na susunduin niya raw si Claude na nag-commute dahil malayo-layo pa ang lalakarin nito papunta sa mismong club. Naiwan si Stone, si Adelaida, at si Sanchez na medyo tinatamaan na ng alak. "Ilang bote na ang iyong nainom, Sanchez, mabuti pa'y huminto ka," sabi ni Adelaida at akmang ilalayo ang boteng nasa kamay ng dalaga ngunit itinaboy siya ni Sanchez. "Walang pakialamanan! Nakialam ba ako na para kang sinaunang ninuno, ha?!" sabi ni Sanchez at uminom ulit. Napailing na lang si Adelaida. "Hindi ka pa rin nagbabago," sabi ni Adelaida at umiling. "Isa ka pa ring lasengga." Ang pangalawang makasalanan. Ang may katakawan. Ang mahilig magpakalasing at walang ibang ginawa kundi magpakalasing. Katakawan o Gluttony. "Ano naman sayo?!" sigaw ni Sanchez at tumayo. Pagewang-gewang itong rumampa bitbit ang isang bote ng alak. "Ito na nga lang kasangga ko sa buhay eh! Ito na nga lang sumasagip sa akin! Woah! Parteh!" Wala nang nagawa si Adelaida kundi manatili sa upuan at hayaan na lang itong gawin ang gusto ni Sanchez. Hindi na nito maiwasang uminom na rin.  "Hindi ka pa rin ba kikilos, Adelaida?" tanong ni Stone na kanina pa'y nakaupo sa harap niya. Napatitig siya sa binatang kasama. "Hahayaan mo bang magawa namin ang parehong kasalanan?" Nanlaki ang mga mata ni Adelaida. Hinampas niya ang kaniyang kamay sa mesa at sa isang iglap ay huminto ang oras. Tumigil sa paggalaw ang mga tao at tumahimik ang kaninang maingay na lugar. Tanging silang dalawa lang ni Stone ang gumagalaw. "Anong alam mo?" seryosong tanong ni Adelaida. "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?!" "I brought you here so you could see a really lively place, opposite from the convent where you came from. You aren't isolated, it's not quiet, it seems happy, everyone is laughing," sabi ni Stone at kumuha na rin ng isang baso.  "Ngunit bakit nga ba andito ang mga taong ito kung tunay nga silang masaya?" tanong ni Stone. "They are still seeking for the happiness they can't find on their own. Gaya ng kumbentong pinanggalingan mo, ang puso nila'y madilim, at sa pagitan ng lugar na ito ay nagkakaroon ng kulay ang mundo nila." "Gusto nilang magpakalunod sa saya dahil alam nilang kinabukasan ay reyalidad na naman ang sasalubong sa kanila. Kahit alam nilang pansamantala, at least sumaya sila," sabi ni Stone. Napatingin si Adelaida sa mga ngiti ng mga tao. Anong tinatago ng kanilang ngiti? "Mga pusong nagpapakalunod," tanging sambit ni Adelaida. "Don't think of your immortality as a misfortune. Think of it as a blessing bestowed upon you to have a chance to save the hearts from drowning," sabi ni Stone.  "Paano mo nga nalaman ang tungkol sa pag-ulit ng nakaraan?" tanong ni Adelaida. "I photocopied your diary," sagot ni Stone. Tinignan niya sa mata ang dalaga. "Si Claude, Sanchez, Fred, Franche, Chloe, ikaw at ako, tayo ang pitong makasalanan. At nauulit ang nakaraan." -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD