Chapter 19: The Wedding HINDI ako makapaniwala sa nakikita ko. Isang Wedding gown! Katulad ng wedding gown na dapat suot ko sa kasal namin ni Alex. Ang alam ko itinapon ko na iyon sa hotel kung saan ako nagtago bago ako nakuha ni Alex. At saka bakit wedding gown? Saan ba balak magpakasal ni Alex, sa simbahan?! “Ms. Catherine, napakaganda naman ng wedding gown niyo. Nakakaingit! Ang gwapo pa nang pakakasalan niyo.” sabi sa akin ng baklang mag-aayos para sa kasal ko ngayon. Wala na akong nagawa pa sa gustong mangyari ni Alex. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit pumayag ako sa gustong mangyari ngayon ni Alex. “Catherine.” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. At di ko inaasang magulat na makita ko pa siyang muli. “Maddy…” lumapit ako sa kanya at yumakap. “Kumusta ka

