Ginulo ni Djora ang kanyang buhok. “Nasisiraan ka na ba ng bait, friend?” ang puna ni Tavi nang mailapag na nito ang tray ng kanilang snacks sa center table. Nasa living room sila ng apartment ng dalaga. Bihis na bihis na ang kaibigan niya para sa appointment nila sa TV station pero siya ay heto at nakapambahay pa lang. Hindi pa nga nakaligo pasado alas onse na ng umaga. “Ikaw ang may kasalanan nito, eh!” sisi niya ritong dinuduro ang kaibigan. Nalaglag ang panga ng kaibigan at saka itinuro ang sarili. “Ako? Ba’t ako?” Umismid siya at napasimangot. Hindi talaga maipinta ang mukha niya. “Maligo ka na nga! Ay, huwag muna. Inumin mo muna ‘yang cucumber juice na tinimpla ko. It will cool you down, friend.” Hinagod siya ng tingin ng kaibigan pagkasalita. “Ilang kilo ba ang nabawas sa ‘yo d

