Five years later. Pasado alas siyete ng gabi ay nanonood silang mag-anak sa napakagandang tanawing bigay ng Gardens by the Bay sa Singapore. Pinanood nila ang fifteen-minute lights show roon na may classical music na background. Naglalaro ang iba’t ibang kulay—berde, dilaw, asul, puti, lila—ng mga giant Supertrees. Nakaupo sila sa isang pabilog na concrete edging kung saan may mga tanim na bulaklak. Ang edging ay para maupuan ng mga tao na papasyal doon. Napagitnaan nina Djora at Cavell ang apat na taong gulang na anak nilang si Dave. Nakanganga itong nakatingin sa mga higanteng tore na may canopies at iba’t ibang kulay. Nasa dalawampu’t limang metro at mahigit ang taas ng mga ito. “Wow! Beautiful!” bulalas ni Dave na manghang-mangha sa nakikita. Nagkatinginan sina Djora at Cavell.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


