" Anong pinagsasabi mo? Anong ibig mong sabihin? " nauutal kong mga tanong sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at dahan-dahan na lumapit sa kinatatayuan ko. Nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa aking pribadong parte ng katawan. Dahil sa paglapit niya na nakangisi, hindi ko maiwasan na mapaatras habang nakatingin sa kanya. " Bakit parang natatakot ka sa akin, Jemuel? Kagabi nga ay sarap na sarap ka sa ginawa natin, " sabi jiya sa akin. Naramdaman kong uminit ang aking mulha, napalunok ako ng aking laway dahil sa mga sinabi ni Samuel sa akin. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kanang kamay at hinaplos ang aking mukha. Hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako sa kanya. " Ano ba itong ginagawa natin, Samuel? " nauutal kong tanong sa kanya. " Hindi ba ito naman ang gusto

