" Maligayang gabi sa ating lahat! " pagbati ng kapitan ng Puro sa amin na lahat na dumalo sa Pasasalamat. " Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na sa nakalipas na taon ay hindi naging maganda ang naging ani natin. Dahil sa tindi ng init ng panahon na nagdahipan para mamatay ang ating mga ani, dahil sa mga insekto at kulang sa tubig. Pero ngayon, maswerte tayo dahil masagana ang ani natin, " pagpapatuloy niya. Nagpalakpakan naman ang mga tao dahil sa magandang balita na sinabi ni Kapitan sa kanilang lahat. " Ngayon, sa gabing ito, tayo ay magpapasalamat sa Maykapal dahil sa biyayang ibinigay niya sa atin kaya sana ay mag-enjoy tayong lahat! " pagtatapos niya. Nang matapos magsalita ang kapitan, sumunid naman ang tugtogan na pinangunahan ng mga kalalakihan na nasa entablado. May

