Napalunok ako nang makita ko siyang unti-unting lumalapit sa akin habang nakatitig at nakangiti. Nang makarating siya sa aking harapan, narinig ko ang reaksyon ng aking mga classmates Napatingin ako kina Kelvin, Joan at Karlene. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung haharap ba ako sa kanya alo yuyuko dahil sa nangyayari ngayon. " Para sa iyo, Jemuel! " sabi niya sa akin. " Woah!! " reaksyon ng aking mga kaklase. Hindi ko na lang inintindi ang mga kaklase ko. Inangat ako ng aking tingin para tignan siya. " Para saan ito, Marco? " nagtataka kong tanong sa kanya. " Hindi ba sinabi ko sa iyo na liligawan kita, Jemuel? " sagot niyang tanong sa akin. " Bakit ngayon pa? Pwede naman mamaya o kapag tapos na ang mga klase ko? " taning ko sa kanya na may kaunting inis. " Gust

