Ilang araw akong hindi pumasok sa opisina. Takot na baka makita ko ang sinuman sa kanila. Nakatitig ako sa laptop ko dahil nakawork from home ako ngayon. Nasa condo ako nina Lilo at Terrie, ayoko rin munang umuwi sa bahay. "Ano ba 'yan, teh! Too much OA na 'yang pagsesenti ha?" binato ako ni Terrie ng chips at sa akin na tinutok ang kanyang atensyon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ters, stop it. Hindi mo ba alam na nagiging halimaw ang babaeng 'yan kapag nagalit? Sige ka, hindi ko kayo aawatin kapag jinombag niyan ang mukha mo. Weekly pa naman sa gym 'yan para magboxing. I won't risk my face, saving you." awat ni Lilo. Tumahimik naman si Terrie at tumingin na ulit sa pinapanood. Ngumiti ako kay Lilo dahil sa wakas ay tumahimik rin ang bakla. "Maglulu

