Sumakay kami sa tricycle. Tahimik lamang ako dahil hawak niya pa rin ang kamay ko. Tinahak ng tricycle ang isa pang liblib na daan. This is the first time na makapunta ako sa ganito kalayong lugar. "Oh ito na ang papasok sa manor." sabi noong driver. Hinigit ako papalabas ni Jamin at binayaran ang driver. Nasa gitna kami ng daan. Walang tao at puro puno. Wala ring bahayan. Parang mga gubat sa horror films. Naglakad si Jamin papasok sa gubat. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. Nginitian lamang niya ako. Nagdiretso siya sa lakad at sa takot kong maiwanan ay sumunod ako. Sa malayo ay may natatanaw akong malaking gate. May mga baging iyon sa palibot. A manor? May manor sa dulo ng gubat na ito? Tumigil si Jamin sa malaking gate at may dinukot sa bulsa. Susi iy

