Hinawi ko ang kamay niya at mabilis na umalis doon. Natigilan sila sa tawanan ng makita ang pagdadabog ko. Bakit ba kasi kailangan pang narito siya? Hindi na ba ako mapapagbigyang makahinga muna kahit isang araw lang? Lumabas ako sa parking lot para hanapin ang aking kotse ng harangan niya ako. Napamura na ako dahil sa inis. Sa sobrang frustration ay naiiyak na ako. "What the hell are you doing here?" tanong ko. Nakadiin ang kanyang panga ng bitawan ang braso ko. Matatalim at malalalim ang mga hinga ko para pigilan ang panginginig. My sight is kind of slurry. Tipsy na nga ata ako. "Sinundan ka." obvious na sagot niya. Napataas ang kilay ko. "Bakit ka nagpapakalasing ng ganoon? And you brought your car knowing that you'd be drunk? Nasaan ang d

