Andrei drove me to Benjamin's house. Pinilit niya na kami lamang dalawa kahit na ayaw siyang payagan ng kanyang mga guards na umalis ng walang bantay. Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse. Nagplay siya ng music na agad sumabog sa mga speakers. It's a spanish song. Hinahum niya iyon habang nakatutok sa pagmamaneho. "You know spanish?" tanong ko. "I can understand but I can't speak it directly. My father's a pure spanish and my mom's a filipina. I grew up here just like Marge." paliwanag niya. Tumango ako. Binuksan ko na lamang ang dashboard ng kanyang sasakyan. Halos mapapitlag ako ng makakita ako ng baril doon. "That's for protection. Do not worry. Licensed yan." Oh. So ganoon kahigpit ang politics? Of course he's the mayor. Laging at risk ang bu

