---------- ***Third Person's POV*** - "Savy, may ultrasound si Angela sa araw na ito. She's already in her 20 weeks of pregnancy. At malalaman na ngayon ang gender ng baby nyong dalawa. Umaasa ako na sasamahan mo kami ngayon, nagtatanong na ang tita Claudia mo kung bakit hindi ka sumasama ni minsan sa prenatal checkup ng asawa mo." Nagpokus lang sa pagkain si Angela, hindi nya ipinahalata sa mga kasama na naging interesado talaga sya sa maging tugon ni Savy. Tama naman kasi ang mommy nito, hindi pa talaga minsan sumasama si Savy pag pumupunta sila sa doctor. Ang mommy lang ni Savy ang lagi nyang kasama, minsan kasama din nila ang daddy ni Savy, pati rin sina Summer at Krysthel ay nakakasama narin nila minsan pero si Savy, ni isang beses ay hindi pa nya ito nakakasama. Ito ang ikinasama

