-------- ***Atasha's POV*** - "Bakit ka ba kasi nagpalipas ng gutom? We have lot of foods at home. When you are in school, enough naman siguro ang ibinigay kong pera sayo para hindi ka magutom." Tila paninisi ni Sancho sa akin. Sumasakit na naman kasi ang tiyan ko at dinala ako ni Sancho sa doctor. At ayon nga sa doctor, dahil ito sa nalipasan ako ng gutom. Medyo sensitive nga ang tiyan ko noon, nung mayaman pa ako. Lagi nga akong nagkaroon ng hyperacidity nung pag nakaligtaan kong kumain sa tamang oras. Pero hindi ko na naranasan ang ganito nung nasa isla na ako. Dahil sa trabaho kong pagtitinda ng isda sa palengke, madalas kong nakaligtaan ang kumain sa tamang oras, minsan nga pinagsabay ko na ang tanghalian at hapunan. At ngayon, bumalik na naman ang pagiging sensitibo ng tiyan ko.

