Title: Ignorant Wife's Torment- Pagkikita muli! --------- ***Angela's POV*** - "Congratulation anak, masaya ako dahil natupad mo na ang pangarap mo. Pasensya ka na kung wala akong naitulong sayo." ani ni nanay sa akin, nakapasarinlan na kaming dalawa. Nasa loob kami ng kwarto naming dalawa ni Bea. Nakaupo kaming dalawa sa kama habang inaayos ko ang mga gamit ko. Nasa labas naman si Bea kasama sina maam Atasha at sir Sancho. "Anong wala nay, kayo ng mga kapatid ko ang isa sa mga inspirasyon ko. At saka ang mga payo mo sa akin at ang buong suporta mo sa akin ay liwanag ko sa tuwing parang sukong- suko na ako. Malaki ang naitulong nyo sa akin kaya ako nagtagumpay." namamasa na ang mga mata ko. Tumigil naman ako sa ginagawa ko. Hinawakan ni nanay ang kamay ko na nakapatong sa kandungan

