Title: Ignorant Wife's Torment- Mainit ang ulo! --------- ***Third Person's POV*** - "Ayaw kong makatabi ka sa pagtulog kaya dyan ka matulog sa sahig. Hindi ka naman mahihirapan at malalamigan kasi ang kapal naman ng comforter na gagamitin mo. Kahit magkaroon pa ng snow sa labas, komportable ka pa rin dyan." Hindi na nagsasalita si Angela at inihanda nalang nya ang higaan nya. Hindi na sya nabigla na sa sahig sya patutulugin nito at ayaw nitong makatabi sya sa pagtulog kahit pa mag- asawa na silang dalawa. Diring- diri nga ito sa kanya. Sino ang gustong makatabi ang taong ayaw na ayaw mo? Mukha naman komportable din ang matulog dito sa sahig kasi makapal ang tela, malambot din gawin higaan na para lang kutson. May makapal din syang kumot at malambot na unan. Mukha naman masarap din

