-------- ***Atasha's POV*** - "Thank you for this unforgettable day, Atasha! I relished every moment of it." si Stephen and I knew he was sincered. "I savored every moment too. It's been quite some time since I did something like this. Thank you, Stephen!" nakangiti ko din sabi sa kanya. Totoo naman talaga na nag- enjoy ako. Pero mas nag- enjoy sana ako kung hindi dumating si Sancho kasama si Denise. Pauwi na kami. Naglalakad kami sa kung saan nakaparada ang kotse nya. "Teka lang!" aniya. "May dumi ang mukha mo. Punasan ko lang." Hinayaan ko sya sa ginawa nya. Ilang dangkal lang ang agwat ng mukha naming dalawa habang pinunasan nya ang dumi sa mukha ko gamit ang panyo nya. Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti sya sa akin na sinuklian ko naman. Pero sa totoo lang, hinahanap ko tala

