Photos

2142 Words
Janine POV Tinitingnan ko ang itsura ko sa malaking salamin habang suot ang pinadalang formal dress ni Luc. Para daw sa gaganaping birthday ni Vince. Siguro alam niyang sobrang busy ako ngayon sa kumpanya ni mommy at sa pag aaral ng negosyo ko, kaya naisip niyang sila na lang ang bumili ni Sophia. Pero bakit pinuno naman nila ang closet ko nang ibat-ibang ibang damit halos di na magkasya sa mga lalagyan. May kumatok na naman sa labas ng kwarto ko at sinabi ko na lang pumasok dahil magsusuot pa ng sandals na binili din nila, Naka ilang balik na sila dito sakin na may mga dalang kung ano ano. magaganda ang mga pinili nila at ang dami din pala nilang biniling mga sapatos na ibat ibang klase, anong trip meron silang magkaibigan? " Ma'am pinapaabot po ni Sir." Palapit sakin ang dalawang kasmbahay namin na ang daming hawak na mga paper bags na sigurado akong ang laman, ay mga branded bags. Nilapag nila sa kama iyon na kinalahati nila ang sakop. At akala ko dun natatapos kasi meron pa pala na naman! Pumasok na may mga dalang jewelry box ang dalawa pa naming kasambahay na kung bibilangin nasa mahigit bente iyon. " Ma'am mamili ka na lang po diyan kung ano daw po gusto niyong gamitin ngayong gabi. Tapos mamaya po paayos ko na lang po sa mga kasamahan kong ayusin po sa mga cabinet niyo po yung mga hindi niyo po napili." Napanganga ako sa sinabi niya at na stress naman ako masyado. Pero binalewala ko na lang at iiwanan ko din naman ang mga yan dito. Nagpicture muna ko sa cellphone ko na nakaharap sa salamin. Sadyang pinakita ko ang likod ko dahil suot ko ay backless red dress, nakatagilid sa pose dahil ang gandang anggulo naman talaga Janine. Pero bat di ka mahal?! Natawa na lang ako nang maisip ko yon . Lumabas na ako ng kwarto pababa ng hagdan natanaw ko si Luc na nakaupo sa sofa, kaya dali dali naglakad para makalabas na agad at nilagpasan siya. Pagdating ko sa labas huminto ang isa sa mga kotse ni Luc sa harapan ko at naramdaman kong nasa likod ko na sila. Kaya ang ginawa ko ay tumabi ako at binigay silang daan dalawa. Nagbukas ng pinto si Sophia sa passenger seat at dun siya naupo. " Let's go? " Napatingin ako sa kamay ni Luc na nakalahad sa harapan ko. " Ahm okay lang ako, sige mauna na kayo. " Pag iignora ko sa kamay niya at hindi na tumingin sa kaniya. " Sumabay ka na samin, halika na." Hinawakan niya na lang bigla ang kamay ko saka likod at marahang iginaya niya ako sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa likod saka inaalalayang maka upo. Nalilito akong napasunod niya at pumunta na agad siya sa driver seat, siya pala ang mag drive. Habang nasa biyahe kami nakatingin lamang ako sa labas habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan. Kinuha ko ang cellphone ko at saka pinicturan ang labas. alone- caption ko sa sss nang ipost ko iyon. Biglang nag ring ang cellphone ko at si Jerome yon kaya sinagot ko kaagad. " Nice, ang ganda mo ngayon ah." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. " Papano mo naman nasabi parang nagkita tayo ah! " Tumawa siya nang malakas at rinig ko ang alon ng dagat sa kabilang linya. " Malamang nag post ka kanina! Ako unang nag comment dun, tapos ngayon alone ka naman tsk. Sana sinabi mo ako na lang ginawa mong date!" Napatingin ako sa harapan at nakita kong may pinakita si Sophia kay Luc sa cellphone niya. " Hoy! May naririnig akong dagat diyan ah! Natuloy ka sa Siargao? Di mo man lang ako sinama nakakatampo!" Sabi ko sa kaniya na talagang nagtatampo ako. Grabe naman gusto kong makalanghap ng vitamin sea ngayon eh. Pero bigla akong napasubsob sa likod ng upuan ni Sophia dahil sa malakas na pag preno ni Lu, anong meron? Nagtanong si Jerome sakin kung anong nangyari at sinabi kong mamaya na lang ako tatawag ulit. Tiningnan ko sila sa harapan na si Sophia ay napasubsob din si Luc naman eh parang balewala. Kinuha niya ang cellphone niya at pinarada niya sa gilid ang kotse na pinagtaka namin ni Sophia. Di nagtagal may dumating na naka Ducati, parang ang may ari nun si Vince na may angkas sa likod. Bumaba ang lalaking nakaangkas sa likod at si Nilo pala, anong ginagawa niya dito? Di pa siya dumiretso, hindi na lang sa party. Naka coat kasi ito ng pormal at nakita kong sinuntok si Luc. Bumukas ang likuran ng kotse sa kabila ko at naupo dun si Luc. Kaya nabigla ako na nasa tabi ko na siya, tapos pumasok na din si Nilo na sa loob sa may driver seat naman " Tarantado ka talaga Bro! Ang ayos na ng pagkakaupo namin sa party ni Vince, papatawag ka para lang magpa drive kang gago ka!" Mukhang pikon na pikon si Nilo na nagsusuot ng seat belt. Habang nagda drive siya napatingin siya sa salamin at nakita ko, kaya bigla siyang napa break. " Oh my gosh! Parehas ba kayong mag kaibigan na basta basta na lang maka preno bigla?" Reklamo ni Sophia. Hindi naman ako nasubsob sa harapan dahil bigla akong hinawakan sa bewang ni Luc na payakap na medyo kinailang ko. Tumingin si Nilo samin at binalewala ang pag iinarte ni Sophia na halatang nabigla pero halatang natuwa ata siya sa nakikita niya ngayon. " Tangnamo talaga! Dumadamoves ka lang palang hayup ka! " Tapos bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Luc na ngayon ay naka holding hands. Naiilang ako at ilang beses kong kinakalas ang kamay ko sa kaniya pero binabalik lang niya. " Tsk! Tsk! Sabi ko na bibigay ka din eh!" Natatawa niyang sabi kay Luc. Na nasuntok pa niya sa braso si Luc. " Ducati ko ah! " Sabi ni Nilo na kinailing iling ni Luc. " Tomorrow nasa labas na ng bahay mo. Just drive." Tumawa ng malakas si Nilo at nagsimulang mag drive na pero habang nasa biyahe kami nang aasar lang siya. " Smile." Narinig kong sabi ni Luc kaya napatingin ako sa kaniya, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, nakatingin niya sa mga mata ko at bumaba ang tingin niya sa aking labi, mabilis akong umiwas sa kaniya at nakita ko ang cellphone niyang naka camera. Kaya ngumiti ako habang naka harap ang cellphone cam sa amin, nakakahiya naman. Nakarating na kami, natatawa ako kay Nilo dahil padabog na siyang lumabas ng kotse at pumasok na agad sa loob ng hotel. Mabilis bumaba si Luc at ako naman ay binuksan ang pinto pero naka lock. Papano ako baba nito? Maya maya nagbukas na ito dahil pinagbuksan niya ko. Nakita kong hinihintay ni Sophia si Luc pero hinatak na ni Diego ito sa loob na parang minamadali pa nga. Paglabas ko ng kotse inayos niya ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko. Nagkatinginan kami at ako ang yumuko na lang dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sakin, anong nangyayari ba sa kaniya? " Sino mauuna sating dalawa sa loob Luc? " Kadalasan kasi siya ang nauunang pumapasok tas kasunod niya ko ilang minuto ang pagitan. Nilahad niya ang kaniyang kamay tinitigan ko lang ulit ito, huminga siya ng malalim at kinuha ang kamay ko saka niya dinala sa kaniyang kamay nabigla akong pianagsaklob niya ang aming mga kamay. " Let's go wifey." Nakangiti niyang sabi habang pumapasok kami at ako naman eh gulong gulo sa nangyayari. Habang nasa party kami palagi siyang nakadikit sakin na hindi naman namin ginagawa. Tumingin ako sa kaniya habang nakasunod siya sakin dahil kukuha ako ng pagkain. " Okay na ko, pwede ka nang maglibot para naman madami ka pang makilala para sa business mo." Ngumiti lang siya saka ngumuso. " I'm starving. Gwapo lang ako pero nagugutom din naman ako." Tinuro niyang buffet at nakaramdam ako ng hiya dun kaya dumiretso na lang ako sa mga pagkain at hindi na siya tiningnan pa. Habang nasa lamesa kami at magkatabing kumakain, ramdam ko ang mga mata samin ng mga kaibigan niya. " Ang cute niyong dalawa. " Napaangat ako ng tingin kay Diego na nasa harap namin at si Nilo ang katabi niya. " Cute lang si Luc, bro. Mukha kasing tuta ni Janine!" Sabay tawa nila ng malakas. " Leave us alone! Dickheads." Naiiritang sabi ni Luc sa kanila na mas kilakas pa nila lalo ng pagtawa. " We need to eat Bro. Kasi kung mamatay ako sa gutom kawawa ang mga babaeng ang inspirasyon, ay ako." Mayabang na sabi ni Nilo at nakita kong binatukan siya ni Diego " Inggit kang gago ka, papano kasi sa ngayon palad lang ang nagpapasaya sayo!" Saka napahagalpak ng tawa si Luc at Nilo, samantalang si Diego nakasibangot. Ang alam ko kahit may girlfriend siya eh babaero tong si Diego dahil palaging nasa abroad si Samantha. " Eh di ngayon Luc di ka namagtyatyaga sa malamig na tubig at pag di kinaya may kamay na katuwang!" Gumanti naman si Diego at tumawa ng malakas. Ano kaya ibig nilang sabihin dun? " Bes! Bes!" Napalingon kaming lahat sa tumawag sakin si Cindy, ang ganda niya talaga sobra. " Painom nga muna ko, grabe nag taxi lang kasi ako papunta dito.." Saka siya uminom ng tubig na inabot ng waiter. " Dapat sumabay ka na lang samin papunta dito para di ka na mamasahe." Hinampas hampas nga niya ang lamesa at kumuha ng pagkain sa pinggan ko. " Ang mahal nang siningil sakin! Kaya naku inaway ko yung driver, kapal niya, kagaya nito!" Sabay turo kay Nilo na nagulat pero biglang nakabawi at napangisi " Pampam!" Duro ni Nilo kay Cindy at Umirap lang si Bes kay Nilo. " Nakikita mo yung mga yon? " Sabay turo ni Nilo sa buffet. At tumango naman si Bess. " Ano yong nakikita mo?" Tanong ni Nilo sa kaniya. " Buffet, mga pagkain. Kababae mo nagiging tanga ka na?! Side effect yan? " Nag crossed arm si Nilo at sumandal sa upuan niya. " Ang ibig kong sabihin, dun ka kumuha ng pagkain. Hindi yung mga pagkain namin dito ang nilalantakan mo. Patay gutom ka ba?" Napanganga si Bess sa sinabi ni Nilo at natauhan siya nang nakita nga niya na konti na lang ubos na ang pagkain ni Nilo sa pinggan, hindi ko din kasi namalayan na pati pala yung pagkain ni Nilo kinakain niya na. " Ang yabang mo talagang driver ka lang naman! Kung makasabi ka ng patay gutom! Ikaw patay laman!" Pang aasar ni Bess. " Sobrang gwapo ko naman! Saka anong patay laman?! Bagong salita mo na naman pauso to! " Natatawang sabi ni Nilo. " Patay sa tawag ng laman! Magka aids ka sanang hinayupak ka!" Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Bes hindi ko na napigilan din dahil sa kakulitan nilang dalawa. " Parang di ko naman alam gusto mo lang din maging isa sa mga babae ko! Hahawaan kita pag nagkaroon! " Tumayo na si Bes at nagpamewang. " Asa ka! Che!" Paalis na siya at papuntang buffet area nang bumalik sakin at mukhang may naalala, tiningnan niya si Luc na seryosong makikipag usap kay Diego about sa negosyo nila. " Kayo na? " Kumunot ang noo ko sa tanong niya at umiling. " Eh ano to?" Kinuha niya ang kaniya cellphone at pinakita ang isang picture, nabigla ako na kaming dalawa ni Luc na malapit ang mukha sa isa't isa. Naka post pala sa f*******: niya at ang caption. " My wife" at merong heart emoticon. Ang daming nag comments na congrats. Si Nilo at Diego naman ay nang aasar sa comments. " Hindi mo to alam pero ganyan itsura mo dyan? Grabe halatang patay na patay ka ah." Naiinis niyang sabi sakin dahil naikwento ko nga na titigilan ko na ang pangangarap kong magiging okay kami ni Luc. " Alam kong nag picture kami pero walang ganito." Huminga siya ng malalim saka umiling iling. " At sa post mo alam mo ba kung ano ang reply niya kay Jerome?" Umiling ako at tiningnan ko gamit pa din ang cellphone ni Bess. Ang caption ko kasi sa picture na na upload ko ay hashtag alone. Jerome: I wish I'll be there - tapos May sad emoticon Pero nabigla ako sa reply ni Luc na photos naming dalawa at may reply na. Don't worry I'm here for my wife. Napapikit ako at napailing, binalik ko kay Cindy ang cellphone niya. Saka tumingin kay Luc na napatingin din sakin. " What's the problem, wife?" Gusto kong magtanong kung bakit siya nagkakaganito? Kung ano ang trip na gusto niya? Pero nakaramdam ako ng pagod kaya umiling na lang ako at nanahimik sa mga ginawa niya kahit gulong gulo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD