Sad past

1183 Words
Nandito ako ngayon sa mall para mag grocery para sa familiy nila at Bess. Inabala ko muna ang sarili ko. Isang linggo nang nakakaalis si Lucas kasi at namimiss ko na siya. Araw araw tumatawag naman siya sakin, wala namanng palya. Nung nakaraan nag Skype pa kami hindi pa daw niya alam kung kelan ang uwi niya. Baka daw one week pa daw ulit sya dun dahil nagka problema daw sa company nila. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi unawain sya kahit miss na miss ko na siya. Nakarating na ko sa entrance ng supermarket nang may nahagip ako sa paningin ko na naglalakad papuntang bake shop. Kelan pa siya nakauwi dito, bakit hindi ko nalaman? "Papa!" Nakita kong nabigla siya saka lumingon sya sakin, pag tingin niya huminto sya agad at lumapit ako. "Pa kamusta po? Kelan pa po kayo nakauwi? Sana naman sinabi mo po sakin para nasundo kita o kaya po nadalaw man lang po kita sa mansion natin." Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa, hindi ko pa din mabasa ang titig niya sakin hanggang ngayon. " Bakit ko naman sasabihin sayo kung nakauwi na ko? Hindi kita kailangan pagkatapos nang ginawa mong babae ka! Manang mana ka talaga sa nanay mong malandi, walang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko. Nasaan ba ang asawa mo?" Pinilit kong wag umiyak, kasi pinagtatawanan niya ko kapag umiiyak ako. "Nasa Chicago po, inaasikaso yung business namin, saka dad maayos na po kami ngayon ni Luc. Hindi na po sya nakikipaghiwalay sakin." Biglang sumimangot ang mukha niya, pero bigla agad din ngumiti. " Tingnan mo nga naman ang batang yun tutuparin ang pangako sakin. Alagaan mo ang asawa mo kung napunta lang siya sa kapatid mong si Jewel hindi sana siya nahihirapan ngayon nang ganyan. Matalino kasi yung bata na yun eh. Hindi katulad ng mga iba dyan walang alam gawin kundi magtimpla lang ng kape. " Umalis na sya at dun na pumatak ang luha ko. Hanggang ngayon galit pa din siya sakin sa ginawa ko kay ate at Kay Lucas. Hanggang ngayon halata kay papa na diring diri sa akin. Kapatid ko ang inagawan ko nang mapapangasawa. Alam kong napakasama nang ginawa ko, pero pinagsisihan ko na naman yon. Sana matanggap na nila ang kaligayahan namin ni Lucas, pero sa itsura ni papa mukhang galit pa din sya sakin. Ano ba ang bago kahit noon pa naman eh simula pa ata nang pinanganak ako. Flashback (elementary) Nakauwi na ko at ang saya saya ko! Nasaan na kaya sila papa may papakita ako sa kanya para matuwa siya sakin. Nakita ko syang nakaupo sa garden habang nagkakape lumapit ako, nakita kong nakangiti siya. Lumapit ako sa kanya para halikan siya pero bigla niyang iniwas ang mukha nya sakin. "Jewel baby ko halika kay papa, umiinit na naman ang ulo ko. Halika ka nga anak ko." Tumingin siya sa likuran ko dahil nandon pala si ate kasunod ko. Lumapit si ate kay papa at kumandong sa kaniya. Nakakainggit kailan kaya ako ma kakaupo sa mga lap ni papa. "Papa may ipapakita po ko sayo, eto po oh." Kinuha niya ang test paper ko at tiningnan nya yun, sobrang natuwa ako. " Bobo ka talagang bata ka! Buti pa ang ate Jewel mo napaka galing perfect." Nalungkot ako akala ko okay na yung test ko kasi dalawa lang naman ang mali ko eh. "Tignan ko nga." Nakita kong kinuha ni Lolo sa kamay ni papa ang test paper ko. " Ang galing galing talga ng apo ko! Dahil dyan mamasyal tayo ngayon apo ko sa kahit saan mo gusto!" Natuwa ako sa sinabi ni lolo pinunasan ko agad ang luha ko dahil baka mamaya pati siya magalit sakin. End of flashback Buti na lang nandiyan si lolo noon. Palagi siyang nandyan para sakin, sya lagi ang nag tatanggol sakink noon. Kaso namatay siya nung highschool ako kaya simula nun nawalan na ko nang kakampi. Hindi naman ako nakakapunta kay mommy noon dahil nagagalit si papa. Yun daw ang tama kay mama ang pagdusahan na wag akong makita. Nakita ko na nga lang ang mommy ko ng naging busy na si papa at nag college na ko. Wala na daw syang pakelam kung anong gawin ko sa buhay ko. Buti na lang dumating si Lucas sa buhay ko noon. Napakasaya ko kasi merong lalaking mabait sakin na kagaya ni Lolo. Tinuring akong special pero nagulat na lang ako isang araw na ang lalaking yon pag may ari pala ng iba. Flashback Nasa mansion na ko kagagaling ko lang sa mall. Bakit kaya parang may handaan sa loob? Pag pasok ko si Sophia ang sumalubong sakin. "Hi bessy san kayo galing ni bessy Cindy?" Si Sophia ang isa sa mga best friend ko din, mabait yan. Kahit masungit minsan o moody lang talaga siya. "Sa mall lang, anong meron?" Tanong ko sa kanya. Nagtaka yung mukha nya sa tanong ko. " Bessy hindi mo alam? Grabe talaga yung papa nyo!" At nakapamewang siya. "Engagement party ni Bestmars Jewel ng bestsister mo noh! Hay naku ikaw talaga! Laging walang alam." Nagulat naman ako at naguluhan. " A-Anong engagement eh wala namang boyfriend si ate?" Natawa siya bigla sa sinabi ko at hinawakan ako sa braso. "Sa totoo kasi niyan matagal ng may boyfriend si Bestmars. Hindi lang namin sinasabi kasi nga, gusto namin i surprise sayo lalo na pag nakilala mo. For sure matutuwa ka." Nakangiti nyang sabi sakin, ano daw?! Sino ba yun at bakit matutuwa ako. "Bakit sino ba yun? Kilala ko ba?" Tumango tango sya. Pumunta agad ako sa sala nakita ko si papa nang nakangiti sakin, first time ah! At tumayo sila nung mga bisita niya. "Mr and Mrs Samaniego. I would like to introduce my second daughter Janine Arenas." Ngumiti sila sakin at maging ako din. "Nice to meet you iha." Sabi nila na may mabait nilang bati sakin. "Same here po." Agad kong hinanap sila ate at nakita kong nakaupo sila nung guy sa garden namin. Magkaharap silang dalawa, hindi ko makita yung mukha nung lalaki kasi nakatalikod siya. Nakita ako ni ate kaya tumayo sya at kumaway sakin. "Janine come here! I would like to meet you my fiance Lucas Samaniego. " Medyo nagulat ako sa pangalan. Pero madami namang lalaking may ganong name eh. Pero nung humarap na sya sakin bigla akong nanghina, Bakit sya pa? Bakit si Lucas pa ang mahal ni Ate at mapapangasawa? Bakit iisang lalaki pa ang parehas naming mahal, bakit? End of flashback Gumuho ang mundo ko noon nang nalaman ko yung lalaking mahal ko ay mahal din pala ng ate ko. Kaya ko lang nagawa sa kanila yon dati dahil bata pa ko nun at sobrang nalungkot ako dahil si Lucas lang ang pangalawang lalaki nagpakita sakin ng pagpapahalaga katulad Ni Lolo. Naiingit ako nun dahil lagi na lang kay ate ang lahat pero ngayon ko lang narealize na mali ako, kaya lang maayos na kami ni Lucas eh. Siguro naman nakapag move on na si ate. maligaya na siguro sya at sana makahanap na sya ng taong magmamahal sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD