Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Agad ko siyang naitulak. Napahiga naman siya sa kama. Mabilis akong bumaba at bahagyang lumayo. Nakita ko siyang napangiwi at umungol na tila nasasaktan habang sapo ang noo. Nag-atubili pa sana ako pero nilapitan ko rin siya at tinanong ang kalagayan nito. "Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" Unti-unting humuhupa ang init na nararamdaman ko at napalitan ito ng pag-alala. Hindi siya nagsalita at patuloy lang na iniinda ang sakit ng ulo. Nagpanik ako dahil ngiwing-ngiwi talaga siya. Hinawakan ko siya sa balikat pero the moment na dumampi ang kamay ko sa balikat niya ay niyakap niya ako sa baywang ko at ibinaon niya sa tiyan ko ang mukha niya. Paulit-ulit siyang humihingi ng sorry sa ginawa niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi ko siya n

