Hindi na ako nakapagkonsentreyt sa lahat ng natirang klase ko dahil sa mga sinabing iyon ni Adam. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang bawat kataga, na para bang na-LSS ako sa isang kanta.
Napansin ng tatlo ang tila pagkawala ko sa sarili. Hindi ko naman kayang sabihin sa kanila ang totoo dahil baka kung ano pa ang isipin nila. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko na totoo rin naman. Hindi ako mapakali at pabigla-bigla, nakakaramdam ako ng kaba.
Kahit sa flowershop ay hindi ako makapokus kaya nagdesisyon na lamang akong umuwi. Nagtaka si Daddy-tito kung bakit napaaga ako nang makasalubong ko siya sa sala. Usually kasi, umuuwi ako ng bahay ng gabi na.
"Okay ka lang, anak?" Tumango lang ako bilang tugon. Magpapaalam na sana akong aakyat sa kwarto nang muli siyang magtanong.
"May problema ba? I can tell."
"Wala naman po Daddy-tito. Napagod lang siguro ako dahil ang daming pinapagawa sa school. In next two weeks, magsisimula na rin ang preliminary examination." Paliwanag ko na lang.
Napatango-tango siya. Pero halata pa rin sa mukha niya ang pagdududa.
"Sure kang wala kang problema?"
"Wala po akong problema."
"Ako ang nagpalaki at nag-aruga sa inyo ng kakambal mo kaya kahit kaunting kibot niyo lang ay alam ko na ang ibig sabihin. Pwede mo naman akong kausapin, anak. Tulad ng dati."
Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang totoo. Kapag nalaman niyang pumunta ako sa isang gay bar, I'm sure he will be much disapppointed and I will not let that happened.
"Wala talaga ito Daddy-tito. Pagod lang talaga ako sa school, promise." Paninindigan ko.
He sighed in defeat. Nakaramdam ako ng kaunting guilt. Kaya ko na talagang magsinungaling ng ganito.
"Okay, kung 'yan lang talaga. I'm just right here. Sige na, magpahinga ka na at tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."
Agad naman akong nagpaalam sa kanya at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Napasandig ako sa likod ng pinto nang maisip ko na naman ang tagpo kanina sa banyo. I was caught off guard by those phrases. Saka lang ako nakakilos kanina nang may pumasok na tao.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kunin ito. Natatakot kasi akong basahin ang mensahe mula kay Adam kung sakaling nagsend na siya. At kung sakali mang isend na niya ang address na sinasabi niya, wala rin akong balak na pumunta. Natatakot ako. Alam ko ang gusto niyang mangyari. Hindi na nga maikakaila na ganoon ang trabaho niya.
Nasaktan din ako dahil ang baba ng tingin niya sa akin. Hindi ako kagaya ng iniisip niya. Hindi ako katulad ng iba na hayok sa isang lalake. Darating man ako sa puntong mararanasan ko ang ganoong bagay pero gagawin ko iyon sa lalaking mahal ko. Gusto ko sa lalaking rerespetuhin ako sa anumang aspeto. Sa lalaking hindi mababa ang tingin sa akin. Sa lalaking tatanggapin ang lahat-lahat sa akin. Kahit ganito lang ako, may prinsipyo at dignidad naman akong pinaglalaban.
Tuluyan akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makatanggap nga ako ng mensahe mula sa kanya. Laman nito ang lugar kung saan kami magkikita at kung magkano ang babayaran ko. Nagbigay na raw siya ng discount at kung may gusto pa akong gawin sa kanya, pag-uusapan na lang daw namin.
Hindi ako nagreply at basta na lang pinatay ang cellphone. For the first time in my life, umiyak ako sa lalaking 'di ko kaanu-ano. Pero mas naiyak ako sa sitwasyon. I feel insulted. Ang sakit-sakit sa dibdib. We never had a relationship pero daig ko pa ang hiniwalayan ng jowa kung magdrama.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito sa lalaking tulad niya? Kung tutuusin, hindi ang tipo niyang lalake ang gugustuhin ko. Hindi ang kagaya niyang lalake ang iiyakan ko. At higit sa lahat, hindi ang tulad niyang lalake ang mamahalin at paglalaanan ko ng sarili.
Kinabukasan ko na binuksan ang cellphone. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero binasa ko pa rin ang mensahe na muling ipinadala ni Adam. Dalawang oras ang pagitan ng unang isinend niya sa mga ito kung saan dapat na magkita kami ay isang oras prior nito. Ibig sabihin ay isang oras siyang naghintay sa akin.
By his messages, he was mad. Bakit ko raw siya in-Indian. He didn't go for his job for the night just for me. Sino ba daw ako sa inaakala ko. Isang hamak na bakla lang naman daw ako na hayok ding makatikim ng isang lalaking katulad niya. Binigyan na nga raw niya ako ng discount at siya pa mismo ang lumapit sa akin dahil mukhang nahihiya daw ako. Ako pa lang din ang kauna-unahang bakla na tumanggi sa kanya. Hinding-hindi na raw ako magkakaroon ng pagkakataon na matikman siya kahit pa magbigay ako ng malaking bayad. Hindi lang daw ako ang customer niya at malaki pa ang natatanggap niya sa mga ito. At higit ako nasakatan sa huling pangungusap ng huling mensahe, wala raw akong kwenta.
Hindi lang ako basta nasaktan sa mga mensahe niya, nagalit din ako. Sobrang nagalit. Mas nanaig pa ito. That was below the belt. Sino rin siya sa inaakala niya? Hindi ako kasing cheap tulad niya. How dare he compares me from his customers. Bakit, siya lang ba nag-iisang lalake sa mundo? Mas marami pang higit sa kanya. Mas desente. Mas malinis. Baka kung may dala siyang sakit at mahawaan pa ako. Okay, that was insulting. Pero hindi malayong mangyari 'yon dahil alam kong marami ng gumamit sa kanya. I rather jump in the cliff and die than to have that kind of illness. Pero hindi ko naman iniinsulto ang nagkaroon na na ng mga ganoong sakit. Sa katunayan ay isa akong advocate ng ganitong awareness. Kasi naniniwala naman akong hindi ginusto at sinadyang mahawaan ng mga taong carrier nito.
Mabuti na lang at walang pasok kay Professor Almazan ngayong araw. MWF lang kasi ang klase namin sa kanya. Parang hindi ko pa kayang makita at makaharap si Adam. Natatakot din ako sa maaring mangyari. Hindi ko siya kilala. Maaring may gawin siyang masama sa akin. Mukhang galit na galit pa naman siya sa mga messages niya. Siguro nga kung magkaharap kami ay sinaktan na niya ako. I think I hit his ego. And it's good to know that I'm the first gay who declined him. Bagay lang 'yon sa kanya! Hindi lahat ng bakla ay mababa tulad ng iniisip niya.
"Okay ka lang Mamsh? Parang may pinagtataguan ka?" Napansin din ni Dwayne ang kinikilos ko. Panay kasi ang tingin ko sa paligid at pasimpleng pagkubli sa likuran nila. Baka kasi bigla na lang sumulpot si Adam sa kung saan at pagsusuntukin ako. Exaggerated as it is but who knows? Ang tulad niyang lalake ay mababaw lang ang pasensya lalo na kapag natamaan ang pride. Si Kuya Duke nga, nakikipagsuntukan iyon lalo na kapag nainsulto siya o ininsulto ako. Ilang beses ding pinatawag ang mga magulang namin sa school dahil sa kanya. Kaya talagang ayaw ko na siyang makasama sa iisang paaralan dahil sa malamang matagal na siyang candidate for expulsion. Ilang beses na rin akong nainsulto rito sa school at napagkadiskitihan ng mga lalaki. Kung noon, kaya ko pang makipag-away ng talakan, ngayon hindi na. Malay kong miyembro ng isang fraternity ang makakalaban ko edi tapos na ang maliligayang araw ko. Mas pipiliin ko na lang ang tumahimik. Afterall, hindi naman totoo lahat ng pinagsasabi nila at higit sa lahat, nandiyan lang sa paligid ang karma.
"Wala." Tanging sagot ko lang.
Napahinto si Dwayne at tuluyan na akong hinarap. Nakiharap din sa akin ang dalawang babae. Napalunok naman ako sa klase ng titig nila.
"Hoy bruha, matagal ko ng napapansin 'yang kaweirduhan mo. Ibang-iba ang kinikilos mo e. Atsaka saan ka ba nagpupunta nitong mga nakaraang linggo? Alam mo bang ikaw ang tsinitsismis namin sa tuwing nagsasama kaming tatlo?" Nakahalukipkip na pahayag ni Dwyane. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Patay ako sa mga bruhang ito kapag nalaman nila ang nangyayari sa akin.
"Wala nga akong pinagtataguan. Tsaka naging busy lang ako para sa FS. Siyempre, nakikipagkita ako sa mga kasama ko. Bakit kayo ba? May FS din naman kayo a." Giit ko pa. Nagmumukha na akong defensive.
"Huwag mo ngang masali-sali 'yang bwesit na study na 'yan. Ang pinupunto namin dito ay kung bakit ganyan ang kinikilos mo? Siguro may boyfriend ka na at ayaw mong lumapit siya sayo dito sa school dahil makikilala namin. Magsabi ka ng totoo." Pang-aakusa ni Dwayne. Ginatungan pa ito ng dalawang bruhita.
"Oo nga, Luke. Tell us the truth. May boyfriend ka na ano?" Si Danica.
"Anong pinagsasabi mo? Wala akong boyfriend at wala akong balak magkaroon ng isa. Alam niyo naman kung anong focus ko 'di ba? Wala akong panahon sa mga ganyan at kung magkakaroon man ako, bakit ko naman ililihim sa inyo?" Naiinis na sabi ko pero agad ding napalis iyon nang makita ko si Adam sa dulo ng pasilyo kung saan kami naroroon. Nanlaki ang mga mata ko.
Magkukubli pa sana ako kay Dwayne para hindi niya makita pero huli na ang lahat. Nagsalubong ang mga mata namin. At kahit medyo malayo pa siya ay nakita ko na ang galit sa kanyang mukha.
Magsasalita pa sana si Danica nang mabilis ko silang inaya pabalik ng canteen dahil nakalimutan kong bumili ng tubig. Nagtaka sila sa sinabi ko. Ano naman daw ang palusot ko. Nang hindi sila mapilit ay kinuha ko ang kamay ni Dwayne at hinila pabalik kung saan kami dumaan. Sumunod naman si Danica at Taylor na tinatawag ang mga pangalan namin.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas kami sa building na iyon. Inis na inis naman ang tatlo lalo na si Dwayne dahil halos kaladkarin ko na raw siya. Muntik pa siyang madapa kanina dahil sa pagkakahila ko. Humingi lang ako ng pasensya sa kanila. Sinabi ko na naman sa kanila ang isang lame na excuse.
"Sorry na ulit. Uhaw na uhaw na kasi ako kanina pa e. Nakalimutan ko lang talagang bumili ng tubig."
Humalukipkip lang si Dwayne at masama akong tiningnan. "May tinatago ka e. At sigurado akong lalake 'yan." Nilingon niya ang dalawang babae. "What do you think girls?" Sumang-ayon ang mga ito.
"Hindi nga kasi e. Bakit ba ipinapipipilitan niyong may lalake ako?"
"Fine, pagbibigyan ka namin ngayon. But in not time, malalaman din namin 'yang sinekreto mong jowa."
"W-Wala nga akong sinisekreto sa inyo." Napabuntong-hininga ako. "Fine! Sasabihin ko next time. P-Pero huwag muna ngayon. Hindi pa ako handang sabihin sa inyo." Dahil sa sinabi ko, mas lalo nila akong inusisa. Hindi nila ako tinigilan hanggang sa umamin din ako kalaunan na may pinagtataguan nga ako. At tulad nga ng inaasahan ko, inulan nila ako ng maraming tanong.
Hindi rin kasi nila masyadong naaala ang mukha ni Adam dahil hindi nila nabistahan ito ng maayos nang mangyari ang banggaan. Pero naalala nila ang insedenteng iyon. Nang ipakita ko sa kanila ang picture ni Adam mula sa f*******:, napatili sila. Mukhang kinilig pa lalo si Dwayne. Hindi pa kasi niya ito nakita.
"Siya nga! Siya nga iyong poging natapunan ko ng drinks." Si Taylor.
"Anong natapunan mo ng drinks? Bakit hindi ko ito alam?" Naiinis naman tanong ni Dwyane sa amin. Nagkatinginan ang dalawang babae at napahagikhik. Mukhang nakaisa sa bakla.
Matapos ang pang-uusisa sa hot, sexy and superhandsome kuno na si Adam ay sinabi ko ang rason kung bakit ako nagtatago. Ikinuwento ko ang buong detalye maliban sa pagtatrabaho ni Adam sa gay club na pinuntahan namin noong birthday ni Dwayne. Pagkatapos kong ilahad ang lahat, parang si Danica lang ang kumampi at nagalit sa mga sinabi sa akin ni Adam sa messenger. Pinabasa ko rin kasi sa kanila ang mga sinabi nito.
Kabaligtaran naman ang sa dalawang gaga. Kilig na kilig pa sila sa ginawa ni Adam lalo na nang ayain ako nitong makipagseks. Kung ayaw ko raw sabi pa ni Dwayne, sana sinabi ko na lang agad sa kanya iyon para siya ng makatikim dito. Wala raw sa kanya kung magkano ang hihingiin nito at baka dagdagan pa niya. Kung ganoon naman daw kagwapo at kasarap ang lalake, bakit pa siya tatanggi? Bihira raw ang ganoong callboy sa panahon ngayon. Worth it kung baga.
Sinabunutan naman siya ni Danica. Si Taylor ay nakianib na rin sa amin. Pinagtulungan nila si Dwayne. Ako naman ay natahimik. Naasiwa ako sa sinabi ni Dwayne pero nanaig ang isang pakiramdam na ayaw kong maramdaman.
I feel threatened.
NAGPASALAMAT ako sa itaas nang hindi ko na nakita pa si Adam sa buong araw. Pagkatapos ng huling klase ay dumeretso agad ako sa flowershop. Mabilis lang din akong nakarating doon dahil walang traffic. Pinilit ko na lang na itinuon ang atensyon sa pagtatrabaho kahit pa binabagabag ako sa sinabi kanina ni Dwayne. Alam kong pwede at kaya niyang gawin ang sinabi niya. Aware ako sa mga pinaggagawa niya. Open kasi siya sa akin about his private activities.
Napailing-iling ako at pinilit na iwinawasiwas nang maimadyin ko ang isang pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Adam. Parang gusto kong pukpokin ang ulo ko dahil mas lalo lang naghuhumiyaw iyon sa tuwing tinataboy ko. Parang hindi ko kayang i-take na may mangyari sa kanilang dalawa.
Nagseselos ba ako?
I'm not! Hindi ako pwedeng magselos. But what if I am? Siguradong magiging mitsa iyon ng katapusan ko. Alam ko na kung saan patungo ito. Hindi ako pwedeng mahulog. Hindi ako pwedeng mainlab kay Adam.
Galit dapat ako sa kanya. Dismayado dapat sa mga ginagawa niya. Nasusuklam sa pang-iinsulto niya. Ang mga iyon ang dapat kong pairalin sa isipan, hindi ang kung ano mang nararamdaman nitong puso ko.
Dahil parang wala na naman ako sa sarili, natusok ng tinik ng rosas sa ginagawa kong bouquet ang isang daliri ko. Nabitawan ko ang bulaklak at ang hawak na gunting. I automatically put my finger on my mouth. Nang tingnan ko ang daliring may sugat, dumudugo pa rin ito. Lumapit sa akin si Joanne na isa kong emplayado at tinanong kung anong nangyari sa akin. Nang mapansin niya ang sugat ko sa daliri ay umalis agad siya para kumuha ng gamot.
Maliit lang naman ang sugat, pero medyo mahapdi siya dahil naging malalim din ang pagkatusok ng tinik. Habang nakatitig sa sugat at iniinda ang sakit, hindi ko napansin ang paglapit sa akin ng isang lalake. Akala ko si Kuya Ato na isa ring empleyado ko, hindi pala. Nagulat na lang ako nang hawakan nito ang kamay ko at tiningnan ang daliri kong may kaunting dugo sa natusok na parte.
A-Anong ginagawa niya rito?
"Masakit ba? Alam mo bang ganito rin kasakit o mas masakit pa nga kapag 'yong malaking tinik ko na ang tumusok..." Inilihis niya ang tingin na para bang tinitingnan ang likuran ko lalo na sa nakaumbok doon. "... 'diyan sa rosas mo." Nakangising saad niya.
Nakuha ko agad ang ibig niyang ipahiwatig at para itong bombang sumabog sa utak ko. At nadagdagan ang labis na pagkagulat ko nang dalhin niya patungo sa kanyang bibig ang daliri kong may sugat.
***