MAHIGPIT na nagyakapan ang tatlong magkapatid matapos ang kanta. “Masaya kami para sa'yo kuya, hindi na kami makakahanap pa ng kapatid na kagaya mo." ani Leni “ Mahal na mahal ka namin kuya. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal na ibinigay mo sa amin. Kung papipiliin man ako ng kapatid. Ikaw pa rin ang pipiliin ko.” ani Camile. “ Kahit na may asawa na ako, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa inyo dalawa.” saad ni Gab na lalo pang hinigpitan ang yakap sa mga ito. Kumalas si Gab sa pagyakap at isa-isang hinagkan ang mga kapatid sa noo. Saka siya bumalik sa upuan, para tabihan ang asawa, umiiyak habang nakatingin sa kanila. “ Nakakaiyak kayo magkapatid.Kahit ako naging proud na ikaw ang naging asawa ko. Sigurado akong magiging mabuti ka ring ama sa magiging anak natin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


