Magkapatid Episode 17

1175 Words
" YOU may now kiss the bride" Sabi ng Pastor nagkakasal kina Jacky at Paolo. Ubod tamis na ngumiti si Jacky, nakaharap kay Paolo. Kinakabahan na excited siya ng mga sandaling 'yon, magkahalong emotion ang kanyang naramdaman. Ang tagal niyang hinintay ang araw na 'to na makasal sila ng lalaking iniibig niya. Isang simpleng kasal lamang iyon at sa maluwang na bakuran ng mga Reyes, 'dinaraos ang kanilang kasal. Tulad ng gusto ni Paolo. Tanging malalapit lang na kaibigan ng ginang ang dumalo sa kasal. “ Kiss kiss!” sigaw ng mga naroon. Kinabig niya sa leeg si Paolo ng maramdaman wala itong balak na halikan siya. " Kahit magpanggap ka man lang." pabulong niyang sabi rito. 'Kahit pagpapanggap man lang hindi ko pa rin magawa." pabalik nitong bulong sa kanya. Parang tinusok ng karayom ang puso niya sa sinabi nito. Pero hindi na lamang niya 'yon ininda. Hinalikan na lamang niya ito sa labi. Ramdam naman ng ginang ang walang ka buhay buhay na kasal ng dalawa ngunit, hindi na ito mahalaga pa. Para sa ginang ay tuluyan ng mawawala sa landas nila si Leni. " I pronnounce now, husband and wife." pagtatapos ng pari sa ceremonyas ng kasal. “ Congrats ” sigaw ng mga naroon sa kanila. “ Simple lang ang kasalan but, it looks so elegant. Nadala sa kagandahan at ka gowapuhan ninyo” puri ng isa sa kanilang panauhin. Napangiti siya sa sinabi nito” maraming salamat, sa pagdalo niyo” “ Kay gandang babae talaga nitong si Jacky, you have a good taste hijo” nakangiti baling nang bisita kay Paolo nakatayo sa kanyang gilid. Pilit na ngiti lang ang naging tugon nito sa bisita. “ Congrats anak” anang ginang ng lapitan sila nito. “ Mare, I am sure magiging magaganda ang mga apo mo, kay galing pumili ng anak mo” anang bisita sa ina. “ Of course, hindi ko naman hahayaan na mahaluan ng hindi maganda ang pamilya namin” nakangiting tugon ng ginang. “ Paano, kakain na tayo” aya nito sa mga bisita at tinungo ang kinalagyan ng buffet. “ Pao, tara na” nakangiti niyang aya. “ Mauna na kayo” mahina nitong sabi at tinalikuran siya. “ Saan ka pupunta?” Nakasunod niyang tanong rito “ May pupuntahan ako” tugon nitong hindi lumingon sa kanya. “ Hindi ka pweding umalis, kakasal palang natin” Napahinto ito sa paglakad at nilingon siya” bakit, bawal naba akong gawin ang gusto kung gawin? Tapos na ang kasal natin pwedi na akong umalis” “ Paolo, hindi mo ako pweding iwanan dito mag-isa baka ano nalang ang sasabihin ng mga bisita natin” “ Wag mong kalimutan Jacky, ikaw lang ang may gusto nito” anito tumalikod at tinungo ang gate. " Paolo, saan ka pupunta?" Tanong ng ginang na mabilis nakalapit sa kanila. ' May pupuntahan lang ako ma” matabang nitong sabi. “ Alalahanin mong may mga bisita ako Paolo, wag mo akong ipahiya” pigil ang galit ng ina ng sabihin 'yon. “ Babalik ako agad ma” anitong nagtuloy na lumabas ng gate. Walang nagawa ang ginang, hindi nito napigilan ang pag alis ni Paolo. Gusto niyang magsisigaw sa subrang galit, habang sinusundan ng tanaw ang palabas na sasakyan ni Paolo, pero nagpigil siya alang alang sa mga bisitang naroon. Ayaw niyang isipin ng mga ito napipilitan lang si Paolo pakasalan siya. " Ano na ang gagawin natin ngayon? Ano ang sasabihin natin sa mga bisita, kakatapos lang ng kasal umalis na agad ang groom." tanong niya sa ginang. Inakbayan siya nito," Wag mo na isipin ang mga bisita, ako nalang ang balaha sa kanila. " Okay?" tanong nito. " Okay, tita." tugon niya sa mahinang boses. " Wag, muna akong tawaging tita. Mommy na ang itawag mo sa akin simula ngayon." Nakangiti nitong sabi at niyakap siya. " Finally mrs Reyes ka na rin” dagdag pa nito. Hahayaan nalang niya mo nang mapag isa ang asawa. Dahil mamaya uuwi naman ito at gagawin niya ang lahat ma angkin niya ito. Inabala na lamang niya ang sarili sa pag entertain sa mga bisita. " Jacky, hija nasaan si Paolo?" tanong ng bisita. " May pinuntahan lang saglit. Bigla kasing nagka problema sa site niya, alam mo naman 'yon seryuso sa trabaho. Ayaw nga niya sana umalis pero pinilit ko, para din naman iyon sa kinabukasan namin." pagsinungaling niya. Isa-isa nang nagsi alisan ang kanilang bisita ng sumapit ang dilim. “ Gabi na wala parin si Paolo mommy” nag alala niyang sabi sa manugang. “ Hayaan mo at tatawagan ko” kinuha nito ang cellphone at hinanap ang number ng anak. “ The number you dial is out of coverage area” Sagot ng operator. “ Puny*ta batang ito” palatak ng ginang sa galit. “ Hayaan mo nalang mommy, uuwi din iyon mamaya, antayin ko nalang sa kuwarto namin” Pumasok siya sa kuwarto ng asawa na kanya na din kuwarto. Nag shower muna siya bago humiga sa kama hindi na siya nag sout pa ng damit. Gusto niyang maabutan siya ng asawa naka hubad. Ilang oras na siyang nag antay pero wala pa rin ang asawa. Hanggang sa sumapit na ang alas onse hindi pa rin ito umuwi. " Paolo na saan kana?" naitanong niya sa kawalan. Dapat katabi na niya ang kanyang asawa dahil honeymoon nila ngayon pero, parang mag isa siyang yakapin ang sarili. Naiiyak na lamang siya sa subrang sama ng loob. Hanggang sa makatulogan na niya. NAGTUNGO si Paolo sa bahay ni Leni. Gusto niyang sabihin rito nakasal man siya sa iba si Leni pa rin ang may-ari sa puso niya. " Leni, please kausapin mo naman ako." Pagsumamo niya. Naka ilang tawag na siya, pero bigo pa rin siya, hindi siya nito nilabas. " Ang tigas talaga ng mukha mo, sinasabi ng umalis kana dito at wag kanang babalik!” Galit na singhal ni Gab sa kanya. " Please Gab, sana hayaan mo ako maka usap si Leni." Pakiusap niya rito. " Para saan pa? Kasal kana. Pabayaan mo si Leni maka move on Paolo. Patahimikin mo ang kapatid ko” ani Gab “ Kung talagang mahal mo ang kapatid ko, pakawalan mo na siya sa puso mo. Lalo mo lang siyang pinapahirapan sa pagpunta punta mo rito. Umuwi ka nalang sa inyo at atupagin mo ang asawa mo." pagtabuyan nito sa kanya. Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Gab. Tama naman ito, para saan paba ang pakikipag usap niya kay Leni, gayong kasal na nga siya. Laglag ang kanyang mga balikat na umalis sa lugar na'yon. Hating gabi na siyang naka uwi sa kanila. Dumaan siya bar pagka galing niya kina Leni. Tahimik na ang boung bahay, nang maka pasok siya, nagtuloy siya sa kanyang kuwarto. Nagulat siya ng makita si Jacky, nakahiga sa kama niya, hubot-hubad itong natutulog. Litaw na litaw ang kaputian nito. Tila nakatulugan na ata nito ang paghihintay sa kanya. Agad din siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang guest room para du'n na siya magpalipas ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD