“Base sa examinations, she’s approximately two weeks pregnant.” Ito ang boses na gumising sa aking diwa. Hindi ko nagawang imulat ang aking mga mata sapagkat narinig ko ang iilang mga singhap sa aking paligid. Base sa mga naaalala ko, I passed out after seeing blood running down my leg. “It’s a relief na hindi siya nakunan. It’s just bleeding due to extreme stress. As much as possible, she has to be in a positive environment during the pregnancy.” “Mabuti naman kung ganon. Maraming salamat po, Doc.” Nakapikit man ako’y natukoy ko ang pagkapanatag sa tinig ni Melanie. Mahina ang kanyang boses kaya ang hula ko’y nasa bandang paanan siya ng kama. Kasabay ng mga yabag palayo at pagsarado ng pintuan, naramdaman ko ang isang kamay na yumapos sa aking pisngi. I didn’t need to guess who tha

