Mahigpit na hinawakan ni Nathan ang aking kamay, tumingin siya sa'kin at walang sabi-sabi na hinila ako patayo. Bago ko pa mapagtanto ay pababa na kami ng entablado. Sumalubong pa sa amin ang kumpulan ng mga reporters kaya't bahagya kaming naipit sa sobrang dami nila. Naramdaman ko ang paghapit niya sa aking bewang upang mapalapit ako sa kanyang katawan at maharangan ang mga mic at kamera na pilit nilang ipinupukol sa aming harapan. Halos nabingi na ang mga tenga ko bunga ng sunod-sunod at maiingay na sigaw sa paligid. Sa kabutihang palad ay matagumpay kaming nakalayo mula sa kanila, pinalibutan na rin kami ng mga tauhan ni Melanie kaya't wala nang nangahas pang sumunod o lumapit. Mula naman sa gilid ng aking mga mata'y malinaw kong nakikita si Arcell, nakatitig siya sa

