"Na-schedule na namin ni Mr. Cheng ang interview mo for next week." Ibinaba ni Melanie sa ibabaw ng coffee table ang hawak niyang brown envelop at nakapamewang na humarap sa'kin. "Black, are you listening?" Marahan akong tumango habang walang sigla na pinapanood ang pagpatak ng ulan sa labas ng bintana. Inakap ko ang aking mga tuhod at inihilig doon ang ulo ko. "May problema ba?" Umupo siya sa tabi ko at sinapo ang aking balikat. "Parang ilang araw ka nang wala sa mood mula nung pumunta ka sa gown fitting." Umiling ako. "It's nothing. Masama lang siguro ang pakiramdam ko." "Is it Nathan?" Tuluyan akong napalingon sa kanya. Nang magtama ang mga mata nami'y isang malungkot na ngiti ang umukit sa mga labi niya. It was as if she knew what's happening between us. G

