Ilang minuto na ang lumipas mula noong pumasok ako sa loob ng unit at umupo sa harapan ng aking ina. Bukod sa batian namin ay wala nang namutawing kataga sa aming mga bibig. Panay rin ang ubo ko upang ibsan ang tensyon sa paligid ngunit maging iyon ay lalo lang naghatid ng pagkailang sa akin. It's weird. We've never been this quiet around each other before. Sa tuwing magpapakita kasi siya sa'kin ay lagi siyang may dalang problema o kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan. In short, our encounters always ends on a bad note. Hindi na ako magtataka kung sa ganoon din mauwi ang paguusap namin ngayon. "I'm sorry." Umangat ako ng tingin nang marinig ang kanyang sinabi. Sinubukan kong hindi ipakita ang aking pagkabigla, ngunit nang magtama ang mga mata nami'y nakatingin na pala siya sa

