Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa magkahawak naming mga kamay habang tinatahak ang daan papunta sa hardin na nasa likuran ng simbahan. Nang marating namin ang kinaroroonan ng ginang, sinalubong niya kami ng isang matamis na ngiti. “It’s nice to see you again, hija.” malambing na bati niya sa akin kasabay ng pagtangan sa aking kamay. “Kamusta ka?” “Nice to see you too, Tita. Ayos lang naman po ako. Kayo po? Kamusta po ang pakiramdam ninyo?” Hindi ko na napigil ang pagguhit ng pagaalala sa aking mukha. I swear I tried my best to hide my emotions. Pero nang makita ko nang malapitan ang laki ng ibinagsak ng katawan ng ginang ay para akong itinapon pabalik sa nakaraan. Ganitong-ganito ang lagay ng aking ama bago siya mamatay, ilang taon na rin ang nakakalipas. Payat, maitim ang ilalim

