CHAPTER 34

2270 Words
Chapter 34: Confessions WHEN I woke up the next day my whole body was sore, especially my uhm...down there. My legs are still shaking. I’m still lazy to get up and kinda wanna go back to sleep but when I look at my phone, it’s 10am! Oh my, maybe what my fiancé’s friends will think when I don’t wake up ay may nangyari nga sa amin last night! Kahit true naman iyon. Bakit kasi ang hilig niya masyado? Hindi man lang siya nakaramdam ng pagod. Kung hindi lang kami umabot ng madaling araw o kung wala na siyang pakialam pa ay baka hanggang umaga talaga ay nagpapainit pa siya. Nag-enjoy naman ako at gustong-gusto ko naman iyon. Ang kaso lang kinabukasan ay ako ang mahihirapan. Masakit sa balakang, nakapanghihina ng mga binti at mahapdi sa private part ko. Kung gaano nga kasarap ang sensasyon na iyon ay may consequence pa. Hindi naman siya katulad ng dati. Dasma beses niya lang akong inangkin ay humihinto na siya but now... Oh, good God... No comment na lamang ako. Sinuri ko pa ang katawan ko at napangiti na lamang ako kasi naka-jacket na ako and my sweatpants. Suot ko rin ang undies ko. Pinunasan niya rin yata ako kagabi kaya hindi ako nakaramdam ng panlalagkit. He’s so thoughtful and carrying. Lumabas na ako sa tent namin at sinuklay ko ang maikli kong buhok gamit ang mga daliri ko. Nangangati ang batok ko sa tuwing nararamdaman ko ang dulo ng hair ko. Super ikli na niya pero gusto kong magpagupit ulit. Iyong wala ng buhok ang tumatama sa leeg ko. Nasanay na rin kasi ako sa short hair, eh. Nilapitan ko ang tatlong lalaki na mukhang nagkakape na at nagkukuwentuhan pa. Ang happy nila, ha. Ano naman kaya ang topic nila. Wala pa roon sina Zafrina at Pamela. Ibinaba ko nang bahagya ang zipper sa dibdib ko kasi naiinitinan ako. Nakita ko ang pagturo sa akin ni Ocean gamit ang nguso niya at dahan-dahan na napatingin sa side ko si Michael. Tumaas agad ang sulok ng mga labi niya. He even managed to stand up just to get closer to me and wrap one of his arms around my waist then he pulls me closer to him. He kissed my temple. Amoy na amoy ko ang natural scent niya and his perfume. Wala pa siyang ligo pero ang fresh na niya. Ganoon siguro kapag guwapo. “Good morning, baby,” he greeted me. Hinaplos ko lang ang panga niya at ngumiti. “Masyado na nga ring late,” mahinang bulong ko and he grinned from ear to ear. I pinched his cheek. “It’s okay. Hindi ka nag-iisa,” mahinang bulong niya rin sa akin at sinundan ko nang tingin ang eyes niya. I saw the girls na kalalabas din mula sa tent nila at mukhang kagigising lang din nila. Tinatamad pa ngang maglakad. Wala sa sariling napatingin tuloy ako sa dalawang lalaki. Si Anthony lang ang tumayo para salubungin ang wife niya kasi mabagal ang paglalakad nito at ilang beses pang kinusot-kusot ang mga mata nito. Puwedeng madapa ang gàga na ito. Si Ocean naman ay tinapik niya lang ang upuan sa tabi niya at umupo na agad si Zafrina, humilig sa balikat niya kasabay nang paghalo niya sa ibabaw ng ulo nito saka lang din ako iginiya ni Michael paupo. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ibinigay iyon sa akin. “Thank you.” I drank some water. “Brunch na ang kakainin ninyong tatlo,” ani Ocean at nagsasandok na siya ng kanin sa malaking pinggan. Tumahimik na lamang ako kasi alam ko na kung bakit late kaming nagising na mga babae. Minsan super unfair ng mga lalaki. Sila naman ang kumikilos sa lovemaking pero sila pa ang mas malakas at hindi napapagod. Samantala, kaming mga babae ay nakahiga na nga lang ay kami pa talaga ang unang mapapagod. Tsk. Nasaan naman kaya ang justice roon? Bakit puro kaming mga babae ang nahihirapan? “Hindi ba nananakit ang mga tuhod niyo?” tanong ko sa fiancé ko na ikinahinto niya sa pagsimsim ng coffee niya at salubong ang kilay na binalingan ako. “What, baby?” he asked. Confused na siya agad. “Kagabi. Wala kang kapaguran, hindi ba masakit ang binti mo kako?” pag-ulit kong tanong at malakas siyang humalakhak. I frowned. Mahina kong sinuntok-suntok ang binti niya. “Ano naman ’yan, Michael? Bakit tumatawa ka riyan?” Wonder and confusion drew on Ocean’s face when his friend suddenly laughed out loud. Anthony looks curious too. Zafrina and Pamela, both of them are sleepy. Wala silang pakialam sa paligid. “Hangga’t may sarap, may lakas.” I punched his stomach sa naging tinuran niya. Sinabayan siya nang tawa ng mga kaibigan niya. “Gàgo, ang bastos ng bibig mo, ha,” naiiling na saad ko. Ano raw?! “I’m not saying anything na puwede kayong ma-offend na mga babae. I’m just telling the truth, baby,” he reasoned out. Ha! Akala naman niya ay valid reason na iyon? “Bakit kung sa pregnancy ay kami pa rin ang mahihirapan? Ang unfair ninyo!” sigaw ko. “Tapos sasabihin mo lang sa akin, ‘hangga’t may sarap, may lakas?’ ginagàgo mo ba ako, Engineer Michael?” naiiritang tanong ko sa kanya at ngumuso siya. Hinaplos niya ang baywang ko at marahan na kinintalan ng halik ang pisngi ko. “Ang init naman ng ulo mo, Miss,” he commented. “Seryoso kasi ako.” Pinukulan ko pa siya nang masamang tingin. Natatawang sinubuan niya lang ako ng kanin na may half-cooked egg na. Doon ko lang naramdaman ang gutom ko. Ako na mismo ang kumuha ng kubyertos mula sa kanya at kumain na rin ako. Nag-ingay na rin ang masama kong mga babae at same topic pa rin sa amin. Si Pamela ang mas nagreklamo, isa pa na preggy siya at naranasan niya raw ang paghihirap niya. Emotional siya kaya natural iiyak siya. Lukot na lukot na ang mukha ni Anthony na parang maiiyak na rin dahil nahihirapan siyang patahanin ang wife niya. Sinupil ko lang ang mga ngiti ko. Nakatutuwa silang panoorin. Anthony glared at me but I stick my tongue out and naaasar lang siya kapag nakikita niya iyon. Ang mas nakatutuwa pa ay sinusuway siya ng best friend niya dahil nga ang sama ng tingin niya sa akin. “Stop it, Anthony. Walang atraso sa ’yo ang fiancé ko,” he told him. Inirapan lang siya nito in the end. “Stop crying, Pamela... Suntukin mo na lang ako basta huwag ka nang umiyak. Hindi iyan healthy sa inyo ng baby natin,” pag-aalo niya sa best friend ko na kanina pa umiiyak. Dahil na rin siguro iyon sa paglilihi niya. “Pamela.” Noong naligo kami sa falls ay sabay-sabay na kaming lahat. Tapos naisipan na lamang nila ang gumala sa loob ng kagubatan para kumuha raw ng magandang angle. Probably the animals na puwede naming kunan ng litrato. Ginawa naming activity iyon at pagandahan na lang daw. May dala silang camera. Sa team naman namin ay si Michael ang gumagawa no’n at hinayaan niya lang akong umupo sa malaking ugat ng punong-kahoy. Nanakit bigla ang puson ko at parang ngayon na ulit ang monthly period ko. Yakap-yakap ko ang mga binti ko at nakatukod ang chin ko sa tuhod ko. Nang hindi ko na kaya ang pananakit ay tinawag ko na siya. Gusto ko nang bumalik. “Michael. Bumalik na tayo sa tent.” Nilingon niya ako at nang makita niya ang hitsura ko ay nagmamadali na siyang lumapit sa kinaroroonan ko. He cupped my face and worried agad ang mababasa sa mga mata niya. “Are you okay, baby? Are you hurt or something?” he asked me. Pinunasan pa niya ang pawis sa noo ko. “Ngayon na yata ang monthly period ko, baby. Ang sakit ng puson ko,” nakangiwing saad ko. Hinalikan niya ang noo ko saka siya tumalikod sa akin. “Sumampa ka sa akin.” “But may kalayuan ang nilakad natin, Michael. Baka mapagod ka at mabigat ako,” ani ko. “Kaysa naman ikaw ang masasaktan at mahihirapan. Halika na. Magaan ka lang naman, ah.” Hinawakan na niya ang pulso ko at pumulupot na iyon sa leeg niya. Hindi siya nahirapan na tumayo at inayos pa niya ang pagbuhat sa akin. Nasa ilalim ng mga hita ko ang kamay niya. I rested my chin on his shoulder. He smells so good. “Thank you, baby. Ang suwerte ko na makilala ka. Huwag ka lang sanang mapagod sa akin dahil baka hindi ko kayanin,” saad ko at nagsimula na rin siyang maglakad. Magaan nga rin ako kaya wala lang iyon sa kanya. “Why? Kapag ba napagod ako ay ano ang gagawin mo?” marahan niyang tanong. I opened my eyes at hinalikan ko ang leeg niya. Napatikhim pa siya. Inulit ko iyon at sinuway na niya ako. “Maghahabol ako sa ’yo at hihingi ng second chance,” sagot ko. Seryoso ako, hahabulin ko siya at hihingi ng second chance. “At kapag hindi kita binigyan ng chance?” balik na tanong niya. “Aalis na lang ako, siyempre babalik ako at muli kitang kukunin. Kapag hindi mo na naman ako bibigyan ng chance... Sige, kung masaya ka na wala ako ay roon ka. Hindi kita pipigilan. Hindi na kita guguluhin pa. Hahanap na lamang ako ng ways kung paano ako magalit sa ’yo tapos doon na kita makalilimutan. Iyon din daw kasi ang madaling gawin. Ang magalit ka sa isang tao para makalimutan mo na rin siya,” paliwanag ko pa. “Pero sana... hindi tayo aabot sa puntong iyon, Michael. Hmm, Michael?” “Why?” he asked. “Mahirap ibalik ang tiwala at ang dating samahan. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao at kung may lamat na kayo... mahihirapan na kayong pakisamahan ang isa’t isa. Sama ng loob na lamang ang mararamdaman mo sa halip na makapag-move on ka,” my explanation. “Bakit ang dami mong alam, Miss? May pinaghuhugutan ka ba? Ako ba ang unang nakarelasyon mo? Baka mamaya niyan ay mas nauna kaysa sa akin. Hmm?” interesadong tanong niya na ikinangiti ko. Tunog nagseselos siya. “You are the cold-hearted’s first love, baby...” I muttered. “What? F-First love? You mean...” hindi makapaniwalang saad niya. Napahinto na rin siya sa paglalakad niya. “Can you feel it? My heartbeat... I don’t know if... love at first sight ba ito or something...but yes, I fell in love with you, baby... I just feel it and this is genuine feelings.” Napadaing ako nang bigla niya akong ibinaba at mabilis na hinarap. Mapupungay ang mga mata niya nang pinagmamasdan niya ako. Napataas ang kilay ko at hinaplos niya ang pisngi ko. Ang init ng palad niya. “Ni hindi mo rin narinig ang sinabi ko kagabi,” nakangising saad niya. “Uhm, what?” salubong ang kilay na tanong ko. May sinabi ba siya kagabi na hindi ko nga marinig? Parang hindi ko naman yata naaalala. Ano kaya iyon? “I already said, I love you.” Literal na bumilis ang heartbeat ko sa sinabi niya. Hindi pa nga ako nakapag-react hanggang sa sakupin niya ng halik ang mga labi ko. Mabilis naman akong tumugon sa mapupusok niyang mga halik. “I love you too, baby... I love you too... I love you... I love you...” paulit-ulit na sambit niya sa lips ko at parang inaantok ako sa paraan ng kiss niya. Ngumiti ako sa kanya at muli siyang hinalikan. Ang sarap sa pakiramdam na malaman kong mahal niya rin ako. Hindi na ako matatakot pa na aminin din ang katotohanan na love ko rin siya. “I love you... I love you, Michael... I love you too, baby...” nakangiting sambit ko at muling nagtagpo ang mga labi namin. *** May hammock silang sinabit sa magkabilang kahoy. Ako ang nakahiga roon, at may bedding fold naman ang hinihigaan ni Zafrina at si Pamela as usual ay nasa gitna na naman siya ng hita ng husband niya. Wala ng bago, she’s always hungry at nagpasubo siya rito. I shook my head. Tinitingnan naman ng dalawa ang litratong kuha namin. Kumakain ng chips si Zafrina at abala naman ako sa phone ko. May signal na rin at kausap ko sa text message si Ninang as coach naman. Hindi naman ako nagsisisi na sumama sa kanila rito kasi ang peaceful sa paligid. Makatutulong naman ito sa akin. Magaan sa pakiramdam iyong may rest naman ako. Kung hindi ko lang nakilala si Michael ay tiyak akong nasa gymnasium pa rin ako at nag-p-practice. Hinding-hindi ko naman nakalilimutan ang confessions namin kanina. Sinabi na niya sa akin na love niya ako and same na ang feelings namin. Ako, siguradong-sigurado na talaga sa kanya. Kahit na sobrang bilis na ma-fall kami sa isa’t isa. Pero wala, eh. Puso na mismo namin ang unang nagkakilala—ek. Totoong mahal ko na si Michael, walang halong biro at hindi ako nagdududa sa feelings ko. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa katulad niyang lalaki? Understanding, super bait kahit minsan ay tahimik lang siya. Maasikaso, yummy na at marunong mag-alaga. Sweet pa. Saan pa ba ako? Siya lang naman ang unang lalaki na minahal ko ng ganito at hinayaan ko rin siyang makapasok sa buhay ko. Hindi ko pagsisisihan iyon, hindi ko rin pinagsisisihan na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Matinong lalaki naman siya at wala sa vocabulary niya ang manakit ng damdamin ng isang babae, and we’re officially engaged.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD