CHAPTER 4

1838 Words
Chapter 4: Stranger & gentleman PINAGPAPAWISAN ako ng malamig at wala na nga akong nakikita kundi ang dilim lang. Napahawak na ako sa malamig na pader ng elevator para lang kumuha ng balanse kasi parang babagsak na ako sa sahig. “T-Tita Mommy...” mahinang sambit ko. Wala na akong pakialam pa kung maririnig man ako ng lalaking kasama ko sa loob ng elevator na ito o baka hindi na rin naman niya ako narinig. Dahil sa hina ng boses ko. Naisa-boses ko nga ba iyon? Sobrang lakas ng tambol ng aking dibdib at halos mabingi na ako. Hindi na nga normal pa ang heartbeat ko. Ang bilis na masyado. Oh, my God... Naramdaman ko naman tila gumalaw ang lalaki pero hindi ko na medyo pinansin pa iyon. “Hello, what happened to the elevator?” narinig kong tanong niya. Ang lamig ng boses niya. Ilang saglit pa ay may sumagot na sa kanya. “I’m sorry, Sir. It’s just a brownout.” “Please, fix your generator power immediately. I have a company with me,” he said. “How many of you are inside the elevator, Sir?” the man asked him. “We’re three. A little cat and,” he paused and cleared his throat. “A very beautiful woman,” he added. A very beautiful woman? “Sorry again, Sir. Wait a minute. We’re going to fix the system right away.” Nang nagpaalam na ang lalaki ay ilang minuto pa kaming kinain ng katahimikan bago siya nagsalita. “You okay, Miss?” he asked. I’m not really sure if nag-w-worry ba siya sa akin. Dahil nasa boses niya nga iyon, eh. Compose naman siya kanina. “I-I am not okay... I don’t see anything!” hysterical na sagot ko. Hindi ko na itinago pa iyon dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. “Calm down...” marahan ang boses na sambit niya. Napahawak ako sa nanginginig kong kanang kamay. Paano ako kakalma kung kinakain ako ng takot ko sa dilim? “H-How? I-I’m terrified of the dark... I can’t breath... I’m h-having a hard time...” I said with a sob. Sobra na akong kinakain ng takot ko at kung magtatagal pa ako na ganito ay hihimatayin na talaga ako. “Okay, take a deep breath. Can I come close to you?” he asked and I stilled. Bakit naman siya lalapit sa akin? “W-Why?” nauutal kong tanong. “Wanna hold my cat?” he suddenly asked me. “W-Why? C-Can your cat light up the elevator?” I asked him innocently and I heard his chuckled softly. Parang...parang kumakalma ang kalooban ko. “Nope. Silly you. Can I come closer?” muling tanong niya. Bakit ba gusto niyang lumapit sa akin? “It’s up to you...” sambit ko lang. This is just because of my nyctophobia. Kaya talaga ako nagkakaganito. Nakadausdos na nga ako pababa sa sahig. Naramdaman ko lang ang footsteps niya na papalapit sa direction ko. Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa kanyang presensya. Nawiwindang agad ang puso ko at hindi na ako makapag-isip pa ng tama. Hanggang sa lumuhod na nga siya sa gilid ko. “I’m sorry. I forgot my phone. Do you have yours?” tanong niya at inisip ko naman kung dala ko ba ang phone ko pero... mukhang hindi ko nadala. Wala yata sa slingbag ko. “Uhm... I forgot too,” sagot ko lang. “Can I touch you?” “H-Ha? Why?” gulat kong tanong dahil bakit naman niya ako hahawakan? “I promise, I won’t do anything that you might be scare of something...” “D-Do whatever you want...” I just said. Wala naman akong nararamdaman na may gagawin nga siyang hindi maganda. Basta hinayaan ko na lamang siya. Napaigtad ako ng dumapo ang malaki at mainit niyang palad sa kaliwang pisngi ko. Umawang ang labi ko sa gulat dahil tila may boltahing kuryente ang dumadaloy sa kamay niya patungo sa aking pisngi. “Maryann... Make her comfortable with your touch,” aniya at narinig ko na lamang ang pag-iingay ng alagang pusa niya. Na parang naiintindihan siya nito. Inilipat niya sa akin ang pusa at hinawakan ko na lamang ito. Dinala ko sa pisngi ko at napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot niyang balahibo at ang pag-iingay nito na tila kino-comfort na nga ako. “T-Thank you,” nahihiyang pasasalamat ko at napaigtad pa ako ng hawakan niya ang kanang kamay kong nakahawak din sana sa pusa. “Why are you afraid of the dark?” he asked me softly. “I just have... nyctophobia,” sagot ko at sinabi ko na sa kanya ang totoo kung bakit takot ako sa dilim. Wala na sa akin kung isa pa siyang estranghero. Ewan ko lang kung bakit nakikipagkuwentuhan ako sa kanya. Napalitan ang takot ko sa dilim dahil sa presensiya niya pero kakaiba naman ang t***k ng puso ko. Tumataas nga ang balahibo ko sa katawan sa tuwing pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Lalaki siya at alam ko na hindi normal ang ganitong pagkakataon pero panatag ang kalooban ko dahil may kasama ako sa elevator. Na kahit papaano ay kaya kong labanan ang nyctophobia ko. “Ah, okay. Have you ever had a check up?” “I don't have time. I’ve been busy and I’ve been carrying it for a long time, it’s hard to cure,” nailing na sagot ko “At least try it. You have nothing to lose if you try.” Naging seryoso na naman yata ang boses niya. “Ayaw ko,” out of nowhere ay nasambit ko na lamang iyon at kasabay na lumiwanag ang paligid. Bumalik na rin yata ang ilaw at doon ko lang nakita ang Posisyon namin ng lalaking kasama kong na-stuck sa loob ng elevator. Pareho nga kaming nakasalampak sa floor nito at nakasandal din sa malamig na pader. Nasa bisig ko ang maliit na pusa at hanggang ngayon ay pinaglalaruan pa rin niya ang mga daliri ko. Doon ko lang nakita ng nasa malapitan ang guwapo niyang mukha. Napakaperpekto talaga nito. Ang tangos talaga ng ilong niya at ang cute lang ng pilikmata niya. Parang masusuka naman ako sa kaba at sa lakas ng kabog sa dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Tila matutunaw ako sa paraan ng kanyang pagtitig. Nilalaban ko pa rin iyon kahit kakaiba na ang nararamdaman ko sa kanya pero naputol din naman iyon ng may nagsalita. “Is everything okay?” Tumayo agad ang lalaki at napatitig naman ako sa palad ko nang binitawan niya ito. I don’t know why if I feel like... Uhm... I don’t want to let him go? But Novy, stranger lang kaya siya. So, why ganito na ang feelings mo? I took a deep breath at tatayo na rin sana ako nang maglahad siya ng kamay. Tinanggap ko naman iyon dahil alalayan niya lang naman niya ako na tumayo. Kahit mabigat ako ay nagawa niya nga akong hilahin patayo. Dahil sa lakas niya ay muntik pa akong masubsob sa dibdib niya. Mabuti na lang ay Mabilis akong nakaiwas. “T-Thank you,” sambit ko lang at ibinigay ko na sa kanya ang alaga niya. Nag-iingay na naman iyon. Hindi niya muna ito kinuha dahil hinubad niya ang American coat niya na alam ko kung ako ang magsusuot no’n ay aabot iyon sa binti ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil ipinatong niya iyon sa balikat ko. Nagtatakang tiningnan ko siya. “Don’t wear that kind of cloth next time, Miss,” marahan na saad niya. Nang kunin niya mula sa akin ang pusa ay dumikit pa ang daliri niya sa likod ng palad ko. Natulala na lang ako sa ginawa niya. Amoy na amoy ko ang perfume na gamit niya na ngayon ay bumabalot na sa aking katawan. Nauna siyang lumabas at ilang segundo muna ako nag-stay sa loob dahil wala na rin ang lalaki kanina. Nagpakawala ako ng buntong-hininga saka ko naisipan ang lumabas. Tiningnan ko naman ang laman ng slingbag ko para lang umawang ang labi ko sa gulat. Nandito pa naman ang aking cellphone, ah! God, sinabi ko nga lang na hindi ako sigurado if nadala ko ba. Eh, ni hindi ko naman ni-check kanina. Ang buang naman talaga. Psh. I check my phone again at tadtad na ako agad ng text message ng Mommy ko. Wala talaga siyang ibang ginawa kundi ang inisin lang ako. Kailan ba nagkaroon ng pakialam sa akin ang nanay ko? Grr. Nasa resto siya ng hotel at ng makita niya ako na naglalakad na ay tumalim agad ang tingin niya sa akin. “What took you so long, Novy Marie?” I rolled my eyes and hindi iyon nakatakas sa mga mata niya, “And what is that?” she asked na naman. Ang tinutukoy niya ay ang suot kong itim na coat. Kailangan pa bang itanong ito ni Mommy? I approached her and kiss her cheek. “I’m doing fine, Mom,” walang emosyon na saad ko. “I’m not asking you that. Bakit parang coat iyan ng isang lalaki? May boyfriend ka na ba at bakit hindi ko man lang nalaman? Nauna na naman bang nalaman iyan ng daddy mo or itinago na naman sa akin ng tita mo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Kinuha ko ang iniinum niyang drinks at hindi ko siya agad sinagot. “Bakit kaya hindi mo muna ako tanungin kung okay lang ba ako? Kailangan iyon talaga ang itatanong mo sa akin, ha Mommy?” malamig na tanong ko sa kanya. She clinched her teeth at nagalit agad siya sa inakto ko. “Wala ka talagang manners, Novy. Ganyan ba ang pagmamalaki sa ’yo ng tita mo?” malamig niya ring tanong sa akin. “Bakit kaya hindi mo tanungin ang sarili mo, Mommy? Si Tita pa talaga ang huhusgahan mo sa pagpapalaki sa akin ng ganito? Tang-ina, kayo ni Dad ang nang-iwan sa akin ng bata pa ako. Mga buwisít kayo,” galit na galit na sambit ko at dahil ganoon din siya ay kinuha niya ang isang basong tubig at ibinuhos ito sa mukha ko. Mariin pa akong napapikit at nakarinig pa ako nang malakas na pagsinghap sa paligid namin. Alam ko na may nakakita nga iyon sa amin pero wala na akong pakialam pa. “Show some respect! I’m still your mother, Novy!” asik niya sa akin at matalim talaga ang mga mata niya. Kung kayang-kaya lang pumatay ng ganyang tingin ay baka kanina pa ako nakabulagta sa sahig. “Kahit ikaw ang mommy ko at ikaw ang babaeng nagluwal sa akin ay respetuhin mo rin naman ako, Mommy. I fvcking need that at tatlong taon ka lang naman naging ina sa akin. Kung puwede ka lang kalimutan ay ginawa ko na sana. Pvnyeta!” malutong na mura ko saka ako tumayo at naglakad palayo. “Novy! Come back here!” sigaw pa niya. “I don’t know her,” sabi ko sa mga taong nanonood sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD