CHAPTER 6

2410 Words
Chapter 6: Tomato sauce “COME on, Ms. Novy,” magiliw na pag-aaya ng Grandpa niya sa akin. Sumunod na lamang ako at napansin ko na napahinto siya. Nakatingin pa siya sa amin. Wala na ba siyang balak na sumunod at magpapaiwan na lamang siya riyan sa kanyang kinakatayuan? “Apo? Diyan ka na lang ba? Hindi ka na sasama sa amin papasok sa loob?” untag na tanong nito sa kanya. “Susunod na po ako, Grandpa,” tugon niya at naramdaman kong naglakad na rin siya sa aming likuran. Pinagkamalan pa kami na nag-d-date ng lolo niya. Mukha ba akong pumapatol sa matanda? Ano’ng klaseng utak nga ba ang mayroon siya? Hindi naman sa inaano ko ang Grandpa niya, ha? Guwapo naman ang lolo niya kasi kamukha niya rin naman ito. Hindi ko na masyado pang tiningnan ang paligid dahil kahit paiba-iba pa rin ang decoration ay hindi ko naman kayang i-appreciate kahit maganda pa ’yon. Ang boring naman kasi at makikita ko lang ang mga taong kaiinisan ko. Walang facial expression ang face ko at may mga guest ang napapatingin sa amin. Baka kilala rin nila ang dalawang lalaki na kasama ko. Hanggang sa huminto kami sa table kung saan nandoon sina Dad at ang wife niya. I looked away but nagawa ko pang mag-roll eyes at nakita iyon ng lalaki. “What?” masungit na tanong ko dahil kunot-noong nakatitig talaga siya sa akin. Hindi siya sumagot at mariin lang nakatikom ang kanyang bibig. I rolled my eyes again. “My daughter, Novy,” my father said and he stood up from his seat. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan at lumapit siya para yakapin ako. Humalik pa siya sa noo ko. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito dahil marami siyang visitors. Ayaw niyang masira ang reputation niya. Psh. “Happy birthday, Dad. Wala po akong gift for you, eh. Parang na-ambush lang po ako ni Tita Mommy and hindi po ako nakapag-prepare. I’m sorry.” Of course, hindi sincere ang paghingi ko sa kanya ng sorry, and besides wala rin naman talaga akong inihanda, eh. Ayokong mag-effort dahil kahit siya na daddy ko ay wala naman siyang ka-effort-effort pa. “That’s okay, Novy. What matters is that you came,” he said at binalingan ko naman ang stepmom ko na agad tumaas ang plastic niyang kilay. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay, akala niya siya lang ang magaling sa ganyan. Tumayo rin siya at nang akmang lalapit sa akin para makipagplastikan ay dumistansya na ako pero hindi ko sinasadya na mabunggo ko mula sa aking likuran ang lalaki. Naramdaman ko agad ang braso niyang nasa baywang ko para hindi ako tuluyang mawalan ng balanse. Dumikit pa nga ang likod ko sa matigas niyang dibdib. My heart beats so fast instantly. Ang familiar niyang manly perfume ang nanuot sa ilong ko. “Be careful, tss,” mariin na saad nito na parang sinisisi pa niya ako. Tinabig ko ang kamay niya. “Novy,” my stepmom uttered my name. “Hi, wife ni Daddy,” bati ko sa kanya para lang magsalubong ang manipis niyang kilay. Never ko naman kasi siyang tinawag na Mommy or tita. Kahit Mrs. Bongon ay hindi ko siya tinatawag na ganoon. Wife lang ni daddy. Geraldine Flint-Bongon, that’s her name. Her business? Hindi ko na inalam pa, kasi hindi naman iyon importante pa. Hinawi ko lang ang maikli kong buhok at saka ko siya nilagpasan. “Walang manners,” mahinang bulong niya. I shrugged my shoulder and kumuha lang ako ng drinks. She’s a Filipina rin. Titingnan ko pa sana siya pero nag-meet lang ang eyes namin ng guwapong lalaki na nakilala ko sa elevator. Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Inirapan ko siya. Nakikipagkuwentuhan na pala si Dad sa matandang lalaki at mayamaya lang ay nakaupo na rin sila. Kanina pa balak na kausapin ako ng dalawang kapatid ko pero hindi ko sila pinapansin. Hinanap ng mga mata ko si Tita Mommy dahil parang ayaw na rin nila yatang pumunta pa sa table namin. Eh, may bakante pa rito, ah. Ayokong kasama ang family ni Dad. But nabigla pa ako nang lumipat sa kabilang table ang dalawang lalaki. Hindi ko na sana papansinin pa iyon kasi ano naman ang cares ko sa kanila? “Kuya, sa amin na muna si Novy.” Boses na ’yon ni Tita Mommy kaya agad akong tumayo. Humalik pa ako sa pisngi ni Dad, since siya ang katabi ko. Para naman mas gumanda pa ang reputation niya na maayos ang relasyon naming mag-ama. “Makiki-table na po muna ako kina Tita, Dad. Ayoko pong agawin ang attention ng visitors mo. Baka po ma-hurt ang feelings ng wife mo dahil sa akin, Dad,” maarteng saad ko. “Novy,” mariin na sambit ni Daddy sa pangalan ko. Umalis na lang din ako at nahagip ng mga mata ko ang puwesto naman ni Mommy kasama ang family niya. Inirapan pa ako ni Mom nang makita niya ako. Sa kanya nga talaga ako nagmana na mahilig mang-irap at palaging grumpy. Isang table pa ang pagitan sa side nina Dad and his family. Nag-aalangan akong umupo dahil nandoon na naman ang dalawa. “Have a seat,” ani Tita sa akin. Marahan na tapik naman ang ginawa ni Devillaine sa upuan na nasa tabi niya. Round table naman ito, iyon nga lang ay mas malapit ang chair ko sa lalaki. Ni hindi ito nag-angat nang tingin sa akin. Since may mga food na rin ang naka-serve ay nagsisimula na rin siyang kumain. Sunod-sunod nga ang pagsubo niya na parang ngayon lang siya nakakain ng masasarap na ulam, ha. Napatiim bagang ako nang makita ko ang pagkain sa table. Puro maaanghang. Wala sa sariling napatingin ako kina Dad. Alam kong sinadya na naman ng bruha niyang asawa ang pagkain na nakahain na ngayon. Allergic ako sa chili at lahat ng may maanghang na pagkain ay bawal kong kainin. Ni hindi ko nga kayang kumain ng maanghang kahit na wala akong allergy. Pero inilapit ko ang rice sa akin. “Tita Mommy, puwede po ba kayong magpakuha ng tomato sauce? I’m hungry po at hindi masarap ang food I think,” ani ko at hinintay ko naman ang reaction ng lalaking katabi ko pero wala talaga. Walang interes, psh. Tita looked at our food and she nodded. Bago siya tumingin sa paligid. “Uhm... Novy.” Napahilot ako sa tungki ng ilong ko. Kaya naman pala naka-serve na agad ang mga pagkain dahil wala ng servant. Gosh, ano’ng klaseng birthday party ba ito? “Ako na lang po ang kukuha niyan sa kitchen nila, Mommy,” I volunteered at bago pa magsalita si Tita ay agad na akong tumayo. “Samahan na kita, coz,” sabi naman ng cousin ko pero bago pa nga siya makatayo ay nagsalita na ang matandang lalaki na until now ay hindi ko pa rin alam ang name niya. “Why don’t you come with Ms. Novy, apo?” he asked. “Grandpa?” He seems shocked pa. “Come with her to get tomato sauce,” his grandfather added. Bakit naman niya ipasasama sa akin ang apo niya? Hala naman. Nakahihiya at nakaaabala pa ako. “Why would I do that, Grandpa?” mahinahon na tanong niya. Nasa boses niya talaga ang pagiging cold niya. “Come on, grandson. Get up there and join her,” he said. Pinipilit pa niya ang taong ayaw namang sumama. “I agree with that Don Brill. They should get to know each other so they won’t be awkward kapag sila na lang ang dalawang magkasama,” ani Tita Mommy. “Tita Mommy. What do you mean by that?” curious kong tanong at nilingon ko ang cousin ko na busy na siyang kumakain. Akala ko ba ay sasamahan niya ako? Pero bakit niya ipinagpatuloy pa rin ang pagkain niya? “Novy, remember what I told you earlier? There’s a guy I’d like to introduce you to,” she said. At inalala ko naman ang tinutukoy niya. Ah, hindi ko naman iyon nakalilimutan dahil palagi niya ngang pinapaalala sa akin everyday, eh “And who is that and why po?” I asked her. “We’ve been talking about this. This is Engineer Michael, he is the fourth son of his parents and he has two younger brothers.” Michael. Michael ang pangalan niya. Napakasimple and his engineer? “Michael, please introduce yourself,” sabi ni—Don Brill is his name. Yeah, Don Brill. “I’m Engineer Michael S. Brilliantes, 25 years old,” he uttered his name with his age. My gaze shifted to my aunt. “25 years old?” nagugulat kong tanong dahil 27 years old na kaya ako. Tapos napili pa niya ang mas bata kaysa sa akin? “Mommy, he’s too young for me,” balewalang saad ko at nakita ko ang pag-igting ng panga ni Engineer Michael. Marami na akong nakilala na ganoon ang pangalan pero bagay naman pala sa kanya dahil pogi naman siya. Iyon nga lang ay matigas din masyado ang facial expression niya. Parang nakikita ko lang ang sarili ko sa kanya. Tahimik nga lang siya. “Ah, it’s okay, hija. By the way, I’m Denbrill Arkun Brilliantes, but I known as Don Brill. You can call me Grandpa, Novy.” Palangiti nga talaga si Don Brill. But why naman gusto niyang isama pa sa akin ang apo niya? I can handle myself naman, eh. And back to topic na nga. So siya na nga ang lalaking gustong maka-date ko? Iyon naman kasi ang sinabi ni Tita Mommy. “No need po, Grandpa. Ako na lang po ang kukuha. Hindi naman po ako maliligaw sa mansion ni Dad,” ani ko at kinapalan ko na rin ang face ko na tawagin ko siyang Grandpa dahil iyon naman talaga ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Ako pa ba ang magiging maarte? “It’s okay, I’ll come with you,” walang emosyon na sambit niya at nagmamadali na akong maglakad dahil ayokong maabutan pa niya ako pero mahaba ang legs niya, eh. Napansin na rin niya ang ginagawa kong pag-iwas. Kung kaya’t sumasabay siya sa akin. Nang makita ko na ang door ng kitchen ay mabilis akong nagtungo roon. Ewan ko ba kung bakit ganito na ang heartbeat ko. Hindi ko siya kayang harapin dahil bumibilis ang t***k ng puso ko, eh. “Just stay there na lang sa door. Ako na lang ang kukuha,” I told him at hinanap ko na ang tomato sauce. Hindi naman ako nahirapan na hanapin pa iyon dahil agad kong nakita. Lumapit ako roon at kukuha na sana ako ng isa nang may kumuha naman doon. Inilipat niya iyon sa itaas. Nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman ko ang presensiya niya na nasa aking likuran na. Nainis lang ako sa ginawa niya pero lima naman ang dami no’n kaya kahit ilipat pa niya sa itaas ang iba ay wala na akong cares pa but kukunin ko na sana iyon nang itinaas pa niya sa isang palapag. “What the hèll?!” malutong na mura ko at nagawa ko pa siyang sikuhin but no reaction ulit siya. Nag-tiptoe ako para kunin ulit iyon pero mas tumataas na iyon. Nakikita ko na nga ang mapuputi at mahahaba niyang daliri. “Brilliantes!” I called out his name. Inilipat naman niya iyon pababa at akmang kukunin ko na naman ay ibinalik niya lang sa itaas. “You’re so immature na talaga!” Sa halip na tulungan ako ay mas pinahirapan niya lamang ako. Ano naman ang akala niya ay nakikipag-joke ako sa kanya? “Try hard, Miss,” sambit niya lang. I did that, I tried my best para lang abutin pa iyon but nasa itaas na talaga siya. Mahigpit kong hinawakan ang sleeves ng coat niya at hinila ko ito pababa para hindi na niya magawa pang igalaw but he use his other hand. “Engineer Michael! You’re not nakatutuwa na!” sigaw ko na halos maiyak na ako. In my entire life no one has done this to me. Ang asarin ako ng sobra-sobra ’cause I’m the one doing it but there’s only one guy that’s really going to piss me off. Nag-iinit agad ang ulo ko na parang puputok na rin ang ugat sa aking noo. Behave lang siya pero malakas na siyang mang-asar! “I’m younger than you. But I’m tall. I can reach high things. How about you, Miss?” pagmamayabang pa niya. Na-hurt ba ang ego niya dahil sinabi ko kanina na mas bata pa siya para sa akin? Tsk. “You are really a childish! You’re probably a guy so naturally you’re still taller than me! Put that down, Engineer! Come on!” sigaw ko pa rin pero napahinto na ako sa karereklamo ko nang makita ko ang salt. Lumusot ako sa braso niya at kinuha ko iyon. Mabilis ko pang niyakap ang maliit na jar saka ko hinarap ang engineer. His face still has no emotion and it’s like he just wasn’t pissing me off earlier. Napairap na lamang ako sa kanya at tinalikuran siya. Behave na ulit siya pagbalik namin sa party at hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko sa ginawa niya kanina. May araw rin siya sa akin. Makikita niya at hintayin niya na gaganti pa rin ako sa kanya. “Hindi ba tomato sauce ang kukunin ninyo? Bakit salt na?” nalilitong tanong ni Don Brill at nilingon naman nina Tita Mommy at Devi ang hawak kong jar. I smirked, suddenly I thought of something. “Kasi po nag-volunteer po ang apo ninyo, Grandpa. To look for tomato sauce but all he saw is the salt and gave it to me. I didn’t complain anymore because nag-effort naman po siya na hanapin iyon, iyon nga lang po ay iba ang ibinigay niya sa akin. He is really sweet,” nang-aasar na saad ko pero hindi ko pinahalata na sarcastic ang pagkakasabi ko. Kitang-kita ko ang paghilot niya sa sentido niya at umigting lang ang panga niya. Ang cute niya. Ang cute niyang sakálin, eh. Mahawakan ko lang ang leeg niya. Makikita niya. Hindi ko talaga siya titigilan. Oh, please, pahawak lang po ng leeg niya para magawa ko na ang gusto kong gawin sa kanya. Tingnan lang natin kung hindi siya sisigaw ng bonggang-bongga at magmamakaawa pa sa akin na bitawan ko na siya. Because he can’t breath na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD