Chapter 27: New business
EWAN ko kung nagtampo ang fiancé ko sa akin dahil hindi na naman niya ko pinansin pa. Maski ang paraan ng kanyang paglalakad ay nagdadabog pa at panay ang pagtikhim niya. Hinayaan ko siyang ganoon and I ignore him na lang.
But ano ang nakatatawang attitude niya? Noong paalis na siya ay nilapitan pa niya ako. Hinalikan niya ako sa cheek ko saka siya umalis. Kahit walang salitang namutawi mula sa bibig niya na magpapaalam na siya ay enough na ang paghalik niya sa pisngi ko.
“How sweet. Pero hindi mo ako madadala sa ganyan,” I whispered and smirked.
After he left ay nagbihis na rin ako. Of course, scam lang iyong sinabi ko kanina na mag-r-rest ako sa penthouse ko that because I’m tired from my practice a few weeks ago. Hindi niya puwedeng malaman ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Oo, paglilihiman ko siya about that thing.
Pinili kong suotin ang maong na pants ko, black T-shirt and cardigan, and a white rubber shoes. Napataas pa ang kilay ni Mommy nang makita niya ang ayos ko.
“Don’t look at me like na weird ako, Mom. Tutulong pa rin ako na mag-organize ng things ko sa new company ko,” I reasoned out.
“I didn’t say anything, Novy,” malamig na saad niya and I shrugged. Iyong outfit niya kasi ay pang-office attire. Masyado siyang formal. Sumama na rin si Tita Mommy.
“Ate Novy?” Napalingon ako sa mga kapatid ko and my lips parted dahil ginaya nila ang outfit ko.
“And where do you think you’re going, ha?” mariin kong tanong sa tatlo.
“Ate, may gift kami from the three of us.” I raised my brows. Si Cloud ang nagsalita.
“Ano?”
“Sabi ni Tita Novyann ay wala ka pang kotse. So, nag-contribute kami na bumili ng sasakyan mo.”
“Alam ko kung saan galing ang mga pera ninyo. From your parents,” sabi ko at sabay pa silang umiling na tatlo. Si Lemery ay may kinakain pa siyang chips. Sa laki no’n ay yakap-yakap talaga niya.
“Of course not,” sabay na sagot nina Primo and Cloud. I looked at my youngest brother.
“I sale my drawings sa mga kaibigan ko, Ate and also...pinagbili ko rin ang mga gamit ko na nakatambak na lang doon sa attic,” paliwanag niya para lang mariin kong naitikom ang bibig ko.
“How about you two?”
“Mas malaki iyong contribute ko, Ate Novy. Sahod ko iyon bilang successor ni Dad,” sabi niya at kay Cloud naman ako tumingin. Sa mga kapatid ko ay siya ang pinakapilyo. Saan naman kaya niya nakuha ang pera niya?
“Nag-model ako ng mga brief, Ate,” sagot niya.
“Seryoso ako, Cloud.”
“Seryoso rin po ako. Gusto mong makita? Paano kasi malaki ang talent fee kapag brief.” Mabilis niyang kinalikot ang phone niya at ipinakita sa akin ang screen ng phone niya. Kumirot ang sentido ko dahil nagsasabi nga siya ng totoo.
“Tell me na may pinirmahan ka na contract? Baka mamaya niyan ay ibinebenta na ang mga picture mo na naka-brief lang or else may nûde photos ka na rin, ha!” sigaw ko sa kanya at sinundot ko ang noo niya. Malakas na tumawa lang siya. “At hiningian ninyo pa talaga ang kapatid ninyo!”
“Ate, calm down. Ginusto ko rin naman po iyon. Para may ambag ako. I want to give you a gift and then to ride your new hummer,” Lemery said. Siya lang talaga ang kalmado at kumakain lang.
“Hummer? Hummer ang binili ninyong tatlo?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila at tinanguan pa nila. Napabuga ako ng hangin.
“Iyon na po kasi ang pinakamura, Ate,” Primo reasoned out. Dapat nga ay ma-appreciate ko iyon. Okay fine, I can accept that pero sa ginawa ni Cloud?
“Don’t ever do that, Cloud. Kapag nalaman kong nagpakuha ka pa ng hubad mong katawan—”
“Grabe ka naman sa nakahubad, Ate! Naka-brief nga lang ako!” nakangusong sabi niya. Pinitik ko pa rin ang noo niya. Sinapo niya iyon.
“Malaman ko lang na may ginawa ka ulit. Lagot ka sa aking bata ka,” I warned him.
“Hay naku, Novy. Accept their gift na lang. Pinag-effort-an din ng mga kapatid mo. Ganoon ka nila ka-love,” Tita Mommy na kanina pa sila nanonood sa amin. Kahit ang mommy ko ay umiiling lamang siya at nakakrus pa rin ang mga braso niya.
“Eh, saan naman kayo pupunta, ha?” muling tanong ko sa kanila.
“We’re going with you,” sabi ni Cloud.
“Bakit naman kayo sasama sa akin? Hindi ako mamamasyal.”
“I heard your conversation yesterday. Tutulong kami. Malaki ang muscles ko, Ate. Puwede ako sa heavy works,” Primo uttered. I took a deep breath.
Navy green ang hummer na binili nila at alam ko ang presyo nito. It can cost of millions. Pinakamura? Sino ang niloloko nila? Sinupil ko na lamang ang ngiti ko. Sa tabi ko umupo si Lemery at kumakain pa rin siya.
“Gusto mo, Ate?” At inalok pa ako ng kinakain na niya.
“No, thanks. Kumain ka na lang diyan,” ani ko.
Nang makita ko na settled na sila ay saka ko lang pinaandar ang bagong sasakyan ko. Hindi naman ito ang unang beses na nag-drive ako ng hummer. Pero sa lahat ng mapipili ay ang hummer pa talaga?
“Ate, nauuhaw ako.” Bata pa nga talaga ang bunso namin. Dahil nga kasama ko sila at ate nila ako ay responsibilidad ko pa silang lahat.
Dumaan kami sa isang fastfood chain restaurant para lang bumili ng drinks niya and nagpabili rin ng foods ang iba. Nakarating naman kami sa destination namin at nauna nga lang sina Tita and Mommy.
Noong 8AM ay dumating ang supplier namin. May mga tauhan din ang isinama si Tita Mommy pero sa budget pa rin iyon ng biological mother ko. Nang sinabi ko sa kanya na bawasan namin ang 20 millions ay hindi na siya umimik pa.
’Sakto ang laki ng building at dahil nakita ko na ang buong paligid ay ako na ang nag-organize nito bago kumilos ang staff namin after ko silang bigyan ng layout.
Nakita ko naman na tumulong sina Cloud at Primo. Balak pa sanang sumunod si Lemery nang hinila ko na siya palapit sa akin. Masyado pa siyang bata para magdala ng mga mabibigat na gamit kahit na may kalakihan na ang katawan niya. Tahimik lang siya habang may ginagawa siya sa laptop ko na bagong bili sa akin ng friend ni Michael. Akala ko ay may pinapanood siya or nilalaro na online games but may inambag pa rin siya sa akin.
“Look, Ate oh. Ginawan kita ng disclaimer, and para makakuha ka rin ng permit. Gumawa rin ako ng mission and vision for your new business. Review it na lang po, sabihin mo sa akin na kung may puwede akong i-revise,” aniya. He’s smart and genius. So, kahit hindi ko na i-review iyon ay alam kong nagawa naman niya ng tama.
“Good job,” sabi ko lang at ginulo ko ang buhok niya. Tagaktak ng pawis ang mga kapatid ko nang nilapitan nila kami. Si Primo ay pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. Si Cloud ay ginawang pamaypay ang neckline ng t-shirt niya. Basang-basa na ang buhok nila na parang naliligo na rin sila.
“Pahinga muna kami, Ate.” Pabagsak pa silang umupo sa sahig at sumandal sa pader. Dahil plastic chair ang upuan namin ni Lemery.
“Sa opening mo. Invite us, Ate,” Primo uttered.
“Pero nakauwi na kayo at that time,” ani ko. Inabot ko ang mineral water sa tabi ko. Binuksan ko ang takip no’n saka ko ibinigay kay Cloud pati na rin kay Primo.
Well true na ilang beses ko na silang pinagtabuyan pero may care pa rin naman ako sa kanila, because they are my brothers. Minsan ay kahit hindi sinasabi iyon ng isip ko ay kusang gumagalaw ang katawan ko. Like what I said ay wala naman silang kasalanan sa pagiging broken family ko. Siguro ay iyon na nga rin ang kapalaran ko and also to meet them too. Hindi naman masama ang magkaroon ng kapatid, I guess so.
“Kaya na ito ng two weeks, Ate. Gusto mong tulungan kita na mag-asikaso to hire your employee?” I trusted Primo and I know kayang-kaya niya iyon. Pinag-aralan na niya iyon.
“Okay, do whatever you wants, Primo. Basahin mo na lang ang iyong ginawa riyan ni Lemery.” Lumapit naman sa kanya ang nakababatang kapatid namin para ipakita iyon sa kanya. Napatango-tango pa siya.
“Ako, Ate Novy? Gusto mong mag-model ulit ako ng brief para may budget—”
“Shut up, Cloud! Hindi binebenta ang katawan!” sigaw ko sa kanya. Bayolenteng napalunok pa siya dahil sinamaan ko siya nang tingin. “Tapusin mo muna ang pag-aaral mo,” ani ko.
“Gusto ko na rin manirahan dito.”
“Gusto mo lang kulitin si Devi,” usal ko.
“Hindi po, ah. What if magsimula na rin akong magtrabaho sa kompanya ni Dad? Or sa ’yo, Ate? Bro, ano ba ang requirements para makapag-apply na ako?” tanong niya kay Primo at nang hindi siya nagawa nitong sagutin ay tumabi siya kaya pinapagitnaan na nila ni Lemery si Primo.
Tumayo ako nang makita ko ang paglalakad ng dalawa. “Kailan po kaya matatapos ito, Mom, Tita?” I asked them.
“One week,” sagot ni Mommy at pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ng building.
“One week more para naman asikasuhin ang pag-hire ninyo sa mga empleyado,” ani Tita Mommy. Ininguso ko ang mga kapatid ko.
“Kaya na nila po iyan,” I said at sinilip nila ang ginagawa ng tatlo.
“Magkasundo pala talaga sila,” ani Tita Mommy.
“That’s because of their sister,” Mom blurted out. Napatingin naman ako sa wristwatch ko. Nakita kong malapit ng mag-12AM.
Dinukot ko ang phone sa bulsa ng pants ko at nakita kong may text message si Michael. Napanguso ako dahil puro emoji iyon na may pinggan at maraming food.
“Aalis na muna po ako. Kayo na po ang bahala rito. May ihahatid lang ako,” ani ko at sa sinabi ko lang ay nagsitayuan na naman sila.
“Sama kami, Ate!” I just ignored them but I let them naman na sumama sa akin.
May dala silang extra t-shirt kaya nakapagpalit agad sila. Maingay nga lang sa backseat.
“Lemery, ibaba mo na ang salamin. Kumakain ka pa naman. Mausok, oh.”
Mabilis naman niyang isinara iyon. Dumaan na naman kami sa isang restaurant para lang bumili ng pagkain. Binabawi ko na ang sinabi ko na hindi na ako pupunta pa sa site nila but here I am again.
I parked the hummer sa parking space at napatingin ako sa labas ng bintana. Mukhang patapos na rin ang building, that fast?
Sina Cloud at Primo ang nagdala ng plastic bag dahil hindi pa nga rin sila kumakain.
May tent pa rin doon at nakita ko na mukhang kumakain na ang construction workers. Hinanap ko si Michael at nakita ko ang dalawang friend niya.
“Hey, Novy!” tawag pansin sa akin ni Ocean. Hinila pa niya ang girlfriend niya na may galit yata sa world.
“Si Michael?” I asked him at itinuro niya ang temporary office nito.
“Inaaya namin siyang lumabas para kumain na pero hindi kami pinansin.” I nodded.
“Nandito kasi ang babaeng pinagseselosan mo. May boyfriend na rin iyon, Novy.” Nagkibit-balikat ako.
“Hindi na ako interesado pa. By the way, these are my brothers. Cloud, Primo and Lemery.” Itinuro ko ang brothers ko.
Nakipagkilala rin naman ang tatlo sa kanila saka ko sila inaya sa office ni Michael. I knocked in three times before I open the door.
Blank expression agad ng fiancé ko ang nakita ko but when he saw me ay lumambot na ang bukas ng mukha niya. Napatayo pa siya para lang salubungin ako. He kissed my temple and caressed my waist.
“I’m with my little brothers, baby,” bulong ko sa kanya at tumingin naman siya sa likuran ko.
“Come in. Mainit diyan sa labas,” aniya at nag-uunahan na sila sa pagpasok. “Magkapatid nga kayo. Pare-pareho ang mga suot ninyo,” nailing na sabi niya.
Iginiya niya akong umupo at nasa harapan namin ang tatlo. “Hindi naman siguro kami nakaabala, Kuya?” ani Lemery.
“No, Lemery.” Binalingan naman niya ako. “Akala ko nga ay hindi ka na pupunta rito. Tapos kasama mo sila.”
“Yeah, makulit, eh,” ani ko at hinila ko ang plastic bag. Inilabas ko ang mga lunch pack. “Come on, let’s eat,” I told them at isa-isa na nilang kinuha ang lunch nila.
“Water, Ate.” Ibinigay ko naman iyon kay Lemery.
“Kumain ka na, Engineer. Wala ka yatang balak na lumabas at kumain. Hindi mo pinapansin ang mga kaibigan mo.”
“Naghihintay ako sa ’yo, eh,” sabi niya.
“Paano kung hindi ako dumating?” I asked him.
“Tatawag na lang ako sa ’yo para sabay na tayong kumain,” aniya. Piningot ko ang ilong niya.
“Kumain na lang po tayo, Engineer,” pag-aaya ko dahil nagsisimula na ring kumain ang tatlo. “Eh, iyon ang sa ’yo, Michael,” wika ko dahil kumakain siya sa lunch ko.
“This is just a same food, baby. Walang masama rito,” he said. “Kain ka na rin.” Sinubuan niya pa ako.
Hindi ko na iyon tinanggihan pa at kumain na rin. Naging madaldal na nga ang dalawa. Kami lang ni Lemery ang tahimik.