Episode 37

1323 Words

"Huwag no nang patagalin para hindi ka maunahan ng iba," bulong ni Kazimir sa tabi niya habang nakatingin silang dalawa sa direksiyon ni Clarisse. Hindi niya alam kung ano ang pinupulot ng babaeng iyon sa di-kalayuan. Pinayagan niya na kasi ito sa gusto nitong gawin dahil wala na rin namang tao roon bukod sa kanilang tatlo. Ang tatlo raw kasi nilang kaibigan ay mamayang gabi pa maliligo rito sa batis. "Bakit ba namomroblema ka? Ako nga relax lang, eh," tugon niya. "Sa ngayon relax ka pa, pero sa oras na may manligaw diyan ay siguradong iiyak ka ng dugo." Nginisihan niya ito. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yon? Lagi akong nasa tabi niya kaya imposibleng may manligaw diyan." "Hindi mo hawak ang mga bagay-bagay kaya 'wag kang makampante. Bakit? Twenty-four hours mo ba siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD