"Kuya, wala pa ba si Nicholai?" tanong niya sa kapatid niya dahil tanghali na ay wala pa ito. Gusto niyang kumain ng duhat at saka avocado ngayon. Ayaw naman niyang utusan ang kapatid niya dahil masakit daw ang ulo nito. "Nasa biyahe na raw siya," mahina nitong tugon sa kaniya. "Bakit?" "Wala naman." Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya ngayon. "Kuya, ayaw niya ba sa baby namin?" Mabilis na napatingin sa kaniya ang kapatid niya. "Bakit mo naman naitanong iyan? Kaibigan ko ang ama ng ipinagbubuntis mo kaya alam ko na mahal ka nang gagong 'yon." "Eh, bakit wala pa siya? Ilang oras na ang nakalilipas simula nang sinabi niya na papunta na siya pero hanggang ngayon wala pa rin siya rito sa bahay natin." "Hintayin mo na lang. Kapag lumipas pa ang isang oras na wala pa siya, susunduin

