"Galit ka ba?" tanong sa kaniya ni Nicholai pero sinamaan lang niya ito ng tingin. Nag-iihaw ito ng isda habang sina Kazimir, Isaac, Genesis at ang kapatid niya ay umiinom ng beer ilang hakbang mula sa kinaroroonan nilang dalawa. "Ang haba na naman ng nguso mo, oh. Gusto naman kasi talaga kitang isama kaya lang no'ng nakita ko na masarap ang tulog mo ay hindi na kita ginising pa. Next time, gigisingin na talaga kita. Promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay nito tanda ng pangako nito. "Marami pang next time kaya 'wag ka nang magtampo riyan." "Dapat kasi ginising mo ako!" sambit niya na may halong inis. "Eh, 'di sana nakasama ako sa inyong dalawa kanina. Dati nga kahit hindi naman importante ang dahilan mo ay ginigising mo ako, 'di ba? Bakit kanina hindi mo ginawa?" Nakaidlip kasi siya

