Maaga akong nagising ngayun. 6 am pa . Yung duty ko 8 am. Agad akong naligo at naghanda para sa pagpasok sa trabaho. Hanggat maari iiwasan ko muna si sir. Medyo masakit pa yung puso ko. Oo aaminin ko na hindi din naman ako maapektuhan at masasaktan kung di ko sya mahal. Ganun naman talaga kapag love eh. Saka mo lang marerealize na mahal mo siya kapag nasasaktan ka na ng dahil din sa kanya. Nag agahan ako kasama si mama. Si mama hanggang ngayun wala paring imik o kahit tanong man lamg kung ano nang nangyayari saming dalawa ni Ryland. At nagpapasalamat ako dun . Gaya ng napag usapan namin ni Kevin sinundo nga nya ako. Inihatid nya lang ako sa pinagtatrabahuan ko. Ni hindi sya nagtanong ng kung anuman. Pagpasok ko sa loob ng opisina ay binati ako ng ilang kong mga katrabaho. N

